Chapter 26 - Confuse

6.9K 227 11
                                    

*Ron's POV*

Andito na ako ngayon sa school, medyo maaga akong pumasok. Nag-aalala ako kay Jade, hindi nya kasi ako tinext nitong weekend. Baka galit pa sya sakin? Wag naman sana.

Ganyan kasi si Jade eh, ang bilis magtampo. Tamporurut yan, pero ang cute nya lalo dahil dun. Haaay, ang gulo talaga ng isip ko.

Hindi ko alam ang nararamdaman ko kay Jade ngayon, Lagi ko syang hinahanap. Ang alam ko lang straight ako, dati? Haay! Ang gulo talaga. Simula nung nagtour kami parang ang saya ko lagi pagkasama sya.

Aaminin ko, Hindi ko naman talaga gusto maging kaibigan si Jade dati eh. Gusto ko lang sya makilala kasi ang galing nya kumanta at tumugtog. In short, Idol ko lang sya. Kaya naman nakipagkilala ako sa kanya.

Pero, may nalaman ako na nagpabago sa nararamdaman ko sa kanya. Malapit pala si Jade kay Mark. Si Mark na karibal ko. Nalaman ko kasi na nililigawan nya yung Ex-girlfriend ko na si Lovely.

Tama ang basa nyo. Ex ko si Lovely pero mahal ko parin sya, nagkahiwalay kami dahil sa hindi pagkakasundo. At nung nalaman ko na nililigawan sya ni Mark, at malapit pala sya kay Jade. Nakaisip ako ng isang plano.

Kukunin ko ang atensyon ni Jade sa kanya, para pagnawala yun malulungkot si Mark at pagnalungkot sya mawawala ang atensyon nya kay Lovely. Makikipagbati ako kay Lovely para magkabalikan na kami.

Kaso nararamdaman ko na mahal ni Jade si Mark kasi nakikita ko sa ikinikilos ni Jade na lahat ng ginagawa nya ay para kay Mark. Ang manhid ba ni Mark dahil hindi nya nararamdaman yun? E kung umasta nga si Mark kay Jade parang binabakuran nya eh. Eto namang si Jade sinusunod naman.

Pero nanaig parin ang galit ko kay Mark dahil nililigawan nya pa si Lovely, kaya nga galit sakin si Mark dahil ang akala nya nililigawan ko din si Lovely pero hindi nya alam na Ex ko yun.

Ginagawa ko ang mga plano ko ng may malaman akong isang masamang balita, naging si Lovely na at si Mark! Ang ikinagulat ko pa ay hindi ito alam ni Jade. Kaya naman isang beses na nagkaroon sa school ng program at gabi na kami makakauwi.

-FlashBack-

Nakita ko si Jade na nagaantay sa labas ng school aba! Gabi na ah? Inaantay nya siguro si Mark? Teka, nakita ko pa si Mark na hinatid si Lovely ah. Nakaramdam ako ng awa kay Jade dahil sya ang loyal nya sa BestFriend nya pero si Mark? Nevermind!

Habang nakatingin ako sa kanya, napansin ko si Dave na naninigarilyo sa tindahan at nakatingin kay.. Teka! Kay Jade? Mukhang may binabalak nanaman to ng masama.

Dati kasi muntik nya nang halayin si Jade eh. Buti nalang sinabi sakin ng kaklase ko na ipinatawag daw ni Dave si Jade sa garden. Kahit naman plano ko lang na maging kaibigan si Jade, kahit papano ay napalapit na ako dito. Mabait kasi si Jade, masayahin, Laging nakangiti, Positive ang aura, at syempre Idol ko yan eh. Haha.

At nung tumayo na si Jade, sinundan ko sya. Pero malayo ako sa kanya para hindi nya ako mapansin at nang makita ko si Dave na palapit na sa kanya, naglakad ako papuntang shortcut para mapunta ako sa bandang unahan at nung makarating na ako agad ko syang hinablot para maiwas kay Dave.

Simula nung gabing yun, mas lalo akong naawa kay Jade dahil wala syang alam sa ginagawa ng tarantado nyang BestFriend.

-End of FlashBack-

At simula nang may mangyari kay Jade nung napahamak sya dahil kay Mark. Hindi ko rin maiwasang sisihin ang sarili ko dahil alam ko na may kasalanan din ako sa mga pangyayari kay Jade.

Kaya naman tinutulungan ko syang makapagmove on. At totoohanin ko na ang pagiging kaibigan kay Jade. Mahalaga na saakin si Jade dahil ramdam ko na sobrang bata pa nya para masaktan.

O.M.G! I'm Engaged? (BoyxBoy) ♥Completed♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon