Chapter 59 - Darkest Side

9K 299 15
                                    

*Clark Nathaniel's POV*

Agad nyang tinanggal ang pagkaka-yakap ko sa kanya at humarap sakin.

Hinawakan ko ang bewang nya, nagulat sya sa ginawa ko. Binuhat ko sya at Inupo ko sya sa lababo, dahil matangkad ako magkasing pantay na kami habang nakatayo ako.

Tinignan nya ang mukha ko, puno ng pagtatanong ang mukha nya.

"Hindi ko alam ku-kung pano ko sisimulan." Sabi ko sa kanya.

Ngumiti sya sakin ng matamis, yung ngiti na parang nagpaluwag ng dibdib ko.

"Nagkamali ako...

Nagkamali ako dahil hinusgahan kita agad." Umpisa ko sa kanya. Dahil sa ngiti nya lumakas ang loob ko na ikwento sa kanya.

Tumingin sya sakin ng seryoso na parang inaantay ang mga sasabihin ko.

"Kilala na kita...

Kilala na kita noon palang..

Masyado ka pangbata noon, nung umalis kami...." Inilalahad ko na sa kanya, mula umpisa.

Naalala ko tuloy ang mga nangyari noon...

Natatandaan ko nung umalis kami nila Mommy papuntang Canada, napilitan din sila Mommy nun dahil kapos kami sa pera.

May kakilala kasi sila doon kaya pumayag na sila.

Bata palang ako, close ko na yang si Jade. Oo, sobra! Dahil sinasabi sakin nila mama na balang araw sya ang makakasama ko habang buhay.

Habang nasa ibang bansa ako, hindi na ako sumaya. Lagi nalang ako tahimik at hindi nagsasalita.

Sa Canada ako nag-aral, kahit ilang taon kami duon tagalog parin ang ginagamit kong language. Lalo na't hindi ako lumalabas ng bahay. Wala din naman akong kaibigan.

Galit din ako sa mga magulang ko dahil hinahayaan lang nila ako. Ni-hindi nila ako makamusta paguwi ko galing school.

Halos ang mga memories ko lang na masasaya na patungkol nung nasa pilipinas ako at kasama ko si Jade ang masaya para sakin. Dahil sa pilipino ako, minsan binubully ako ng mga classmate ko.

Ginusto ko nang magpakamatay dahil sa depression. Pero nung pinaalala sakin ni mama na babalik kami ng pilipinas para balikan sila Jade, ayun ang naging reason ko kung bakit ginusto kong mabuhay.

Naranasan ko sa ibang bansa ang maiwan ng mga kaibigan, hindi bigyan ng pansin ng mga magulang ko, at mabully.

At nung nalaman ko na ikakasal na ako dahil meron akong fixed marriage, nagulat ako dahil hindi ko maintindihan kung ano ang pumasok sa utak ng mga magulang ko na naisip ang bagay na yun.

Pero nung nalaman ko na si Jade pala ang taong iyon, may kung ano sa loob ko na....

Sumaya...

Dahil siguro si Jade lang ang taong nakapagpasaya sakin magmula nung mga bata pa kami.

Dati nga inisip ko na Bisexual ako dahil minsan pagnaiisip ko si Jade napapangiti ako.

Bata palang kasi kami ni Jade, lagi na kaming magkasama. Dahil yun talaga ang gusto nila Mommy, ang mapalapit kami.

O.M.G! I'm Engaged? (BoyxBoy) ♥Completed♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon