*Jade's POV*
"Kase.. Nagseselos ako!" Sagot nya.
Whaaaaaat? Nagseselos na sya? Waaaaahh! Kill me now! Laglag brief ko! Ang bilis ng kabog ng dibdib ko.
"A-a-ano? Ba-ba-b-bakit n-naman?" Ultal utal kong tanong. Habang nakahinto kami, tumingin sya sakin ng mata sa mata. Parang tinitignan nya ang kaloob looban ko.
"Ewan ko! Gusto ko ako lang ang pinapansin mo. Dapat nasaakin lang ang atensyon mo. Kasi pag hindi nalulungkot ako. Hindi ko alam. Ibang iba ka sa mga kaibigan ko." Saad nya na parang nalilito.
"Hi-hindi ko alam ang sa-sabihin ko. Nahihiya ako. Ano ba ang dapat kong sabihin?" Sabay takip ko ng mukha ko gamit ang mga kamay ko.
Pero nagulat ako sa ginawa nya. Hinawakan nya ang kamay ko at tinanggal sa mukha ko. Tumingin ako sa baba dahil sa hiya at syempre po ate charo dahil sa kilig. Hihi!
"Wag kang mahiya, wala ka dapat sabihin. Ang gusto ko lang gawin mo ay wag ka ng makikipagkaibigan kay Ron. Please?" Tiningala nya ako at Sumangayon naman ako.
Inihatid nya ako samin, umakyat sya sa kwarto ko at agad na kinuha ang Cp ko. Kinalikot nya iyon na parang sakanya. Aba! Daig pa ang may ari ah? Kaloka to! Pero aminin ko kinikilig ako kasi feeling ko pwede ko din gawin sa kanya yun.
"Oh ayan. Wala na ang number ni Ron sayo. Naka-block na rin. Ok? Tska pwede bang makikain muna? Gutom na kasi ako eh. Hehe." Saad nya na nagpangiti sakin. Haay, kahit kelan talaga ang takaw nito. Pero hindi naman tumataba same lang kami.
Kumain na kami sa baba, wala si kuya pero may ulam siguro niluto nya bago umalis. Pakiramdam ko mag-asawa na talaga kami. Kami lang tao dito sa bahay.
Pagkatapos kumain, naisipan naming mag movie marathon. Nanood kami ng "I am number four" grabe ang galing dito ni Alex. He so hot! At ang galing din ng movie.
Hapon na nung mapagisipan na ni Mark na umuwi. Kaya hinatid ko na sya sa labas.
"Wag mong kalimutan ang mga bilin ko ha? Iwasan mo na si Ron. Sige, Ingat ka dyan. Isarado mo ng maayos ang pinto. Text ka nalang. Bye" paalala nya. Grabe! Kilig talaga ako nyan! Protective at Selosong BoyFriend? Hahaha.
BINABASA MO ANG
O.M.G! I'm Engaged? (BoyxBoy) ♥Completed♥
Ficțiune adolescențiSabi nila, Ang pag-ibig pag dumating "Grab it & Hold it" dahil sa dami ng tao na pwedeng makatanggap, Ikaw pa ang nabigyan. Kaya naman, Simula nang makaramdam ako nito pakiramdam ko, Ako na ang pinaka-Maswerteng tao sa mundo. Ngunit, Hindi ko napans...