*Jade's POV*
"Jaaaade! Cutypie! Jaaaade! Kausapin mo akooo!" Sigaw galing sa labas.
Haaaay! Inaantok pa ako. Teka? Anung oras na ba? Aba! Hapon na ah? Inalala ko kung bakit ako nakatulog.
Hay! Naalala ko nanaman si Ron! Speaking of Ron, mukhang boses nya ang narinig ko ah? Agad akong tumayo at sumilip sa bintana.
Andun si Mark, si Jude at si Ron, teka? Bakit parang nag-aaway sila?
Agad akong lumabas ng kwarto at bumaba ng hagdan. Bakit sila nag-aaway. Siguro dahil sa kinuwento ko kay Jude. E bakit kasama si Mark? Tska bakit nandito si Ron? Haay! Siguro nagalala na sya? Hihi! Kilig naman ako. Hay Jade! Landi mo nanaman.
Paglabas ko ng bahay, "Mahal mo ba talaga si Jade?" Tanong ni Mark kay Ron. Para naman nabibiak ang puso ko. Dahil tumahimik lang si Ron.
Totoo bang hindi nya ako mahal? Hindi nila ako makita dahil si Jude at si Mark nakatalikod sa pwesto ko si Ron naman nakayuko. Parang may mga luha nanaman na lalabas sa mata ko. Napaka Iyakin ko talaga kahit kelan.
Katahimikan ang umalingaw-ngaw sa paligid, "Oo, Mahal ko talaga si Jade!" Sagot ni Ron! Parang tumalon ang puso ko dahil sa aking narinig. Yeees! Mahal nya ako!
"Nagsisinungaling ka!" Sigaw ni Mark, teka? Bakit ayaw nya maniwala kay Ron?
Nakita agad ako ni Ron, "Jaaade! Patawarin mo ako! Hindi na mauulit un! Magtiwala ka sakin. Mahal kita!" Sabi sakin ni Ron. Ang haba ng hair ko oh? Hahaha.
Agad naman napalingon sakin sila Jude at Mark, "Jade! Wag kang maniwala sa kanya! Binibilog ka lang nya!" Sigaw sakin ni Jude. Huh? Hindi ko siya maintidihan.
Agad akong lumapit kay Ron, "Big Boy? Twin Brother? Sana paniwalaan nyo si Ron. Please?" Pagmamakaawa ko sa kanila.
"Jade, pagbibigyan namin sya. Pero isang beses na gawin nya ulit sayo yun. Hindi ka na namin mapapagbigyan sa gusto mo!" Matigas na sabi ni Mark. Nakakatakot sya kasi seryoso sya. Hindi nga nya ako matawag na Little Boy eh.
Tumango ako at ngumiti. Agad namang humingi ng paumanhin si Ron kila Mark pero agad nalang itong umalis. Si Jude naman pumasok na agad sa loob. Ang weird nila ah?
Magsasalita pa sana si Ron sakin, pero tinakpan ko ang bibig nya at sinabing, "sssh! Mamaya kana magpaliwanag!" At hinatak ko ang kamay nya.
Dinala ko sya sa Park dito samin. May playground din dito kaya dun kami pumunta. Sumakay ako sa swing kasi pagpumupunta talaga ako sa playground swing lagi ang sinasakyan ko.
Habang naka sakay ako sa swing, si Ron ang nagtutulak.
"Ron, Bakit ganun ang ginawa mo sakin kanina?" Out of the blue kong tanong sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/42091537-288-k769943.jpg)
BINABASA MO ANG
O.M.G! I'm Engaged? (BoyxBoy) ♥Completed♥
Teen FictionSabi nila, Ang pag-ibig pag dumating "Grab it & Hold it" dahil sa dami ng tao na pwedeng makatanggap, Ikaw pa ang nabigyan. Kaya naman, Simula nang makaramdam ako nito pakiramdam ko, Ako na ang pinaka-Maswerteng tao sa mundo. Ngunit, Hindi ko napans...