*Jade's POV*
Yehey! Christmas break na! Yohoooo! And today is my birthday!
Thank you, God! For another year of my life!
Idinilat ko ang mga mata ko,
Nakita ko si Clark na natutulog nakatalikod sya sakin.Nasa isip ko kung may surprise kaya si Clark sakin...
Hihihi! Nag-aasume nanaman ako.
Agad kong kinuha ang phone ko nakalagay sa side table...
Ow, maraming nagtext sakin...
Mukhang naalala nila! Hahahaha.
From: Kim
Happy Birthday, Jady! Yuhuu! Birthday na nya! Hahahah. Tumangkad ka ba? Anyways! Thank you dahil naging kaibigan kita! Nakakatuwa dahil may naging kaibigan akong isang martyr na kagaya mo. Hahahah. Joke lang to naman. Alam ko na masaya kana dahil nasa tabi mo si Baby mo. Oy! Hinay-hinay lang ha? Ay, Oo nga pala. Baka bukas na ako makapunta sainyo may ipapasa kasi akong requirements eh. Sorry ah? Pero I love you! Oy, No homosexual! May Bf ako! Hahahaha. GodBless!
Nakakatuwa dahil may kaibigan akong lokaret na kagaya nya. Pero masaya syang kaibigan. At sya pa ang naging totoo kong kaibigan. I love her! No homo!
From: Mark (Bigboy)
Happy Birthday, Baby ko! Hahahahaha. Joke lang to naman. Baka suntunkin ako ni Clark. Hahahahah!
Anyways, Littleboy ko! Birthday mo na! At sa susunod na birthday mo 18 kana. Ikakasal kana! Hahahah. Wag mong kalimutan na bestman mo ako ah? Hahahha. Ano pa ba ang masasabi ko sayo? Ayun. Alam mo naman na mahal na mahal kita. Wag kang maingay kay Vincent na mas mahal kita kesa sa kanya ah? Kahit tumanda na tayo hindi magbabago ang pagmamahal ko sayo. Alam mong kulang ang puso ko pagwala ka. Hindi ko man mapantayan si Clark sa puso mo, alam ko na may part din ako sa puso mo. I Love you! GodBless!Aawww, napaiyak naman ako sa text nya. Alam namin ni Mark kung ano ang halaga namin sa bawat isa. Ang hirap iexplain eh. Basta mahal namin ang isa't isa. Just like brothers. You know.? Hahahaha.
From: Mark (Bigboy)
Oy, Sorry mukhang late ako makakapunta dyan sa inyo ah? Kasi may exam pa pala kami. Basta hahabol ako.
P.S tirahan mo ako ng salad.Loko talaga to. Hahahaha.
From: Tuya
Happy Birthday, Bunsoy! Wala na akong sasabihin dahil alam ko na masaya kana dahil kay Clark. Mahalin mo sya ng buong-buo ah? Tandaan mo na nandito lang si Tuya, I love you! GodBless!
That's my Tuya! Hahahaha.
Marami pa akong nabasa galing sa mga kaibigan at kaklase ko pero isang message ang pumukaw sa atensyon ko...
From: Unknown
Happy Birthday, Cutypie! Alam kong may galit kapa sakin. Pero alam ko din na darating ang araw na mapapatawad mo ako. Alam ko din na masaya ka na, magmahalan kayo ni Clark ah? Tandaan mo na nandito lang ako. Tanggap ko na nawala ka sakin, pero pagsinaktan ka ni Clark.. Humanda sya sakin. Sige! I Love you!
Ewan ko kung ano ang naramdaman ko pero alam ko na masaya ako dahil tanggap nya na na wala na talaga kami. Sana maging masaya na din sya.
Lahat sila nireplyan ko at pinasalamatan. Nakakalungkot lang dahil karaniwan sa kanila ay may kanya-kanyang lakad.
Inilapag ko ulit ang phone ko, humarap ako kay Clark at niyakap sya mula sa likod nya.
At natulog akong muli.

BINABASA MO ANG
O.M.G! I'm Engaged? (BoyxBoy) ♥Completed♥
Teen FictionSabi nila, Ang pag-ibig pag dumating "Grab it & Hold it" dahil sa dami ng tao na pwedeng makatanggap, Ikaw pa ang nabigyan. Kaya naman, Simula nang makaramdam ako nito pakiramdam ko, Ako na ang pinaka-Maswerteng tao sa mundo. Ngunit, Hindi ko napans...