*Jade's POV*
"Bunso! Don't forget our dinner next week!" Paalala sakin ni Mama. Ano kaya ang naisip ni Mama bakit kami may dinner?
Actually, Hindi na ako galit kay Mama. Naiintindihan ko na sila kaya siguro sila protective sakin ay dahil para sakin din naman yun.
Pero ang problema ko lang, Alam kaya nila Mama na Gay ako?
Ang sabi sakin ni Kim, Yes si Kim nagkakaroon kami ng time every weekend. Ang sabi nya, "Sigurado akong alam na ni Tita ang pagkatao mo. Alam nga ng mga nakakasama mo, sila pa kaya na araw-araw mong kasama."
May point naman si Kim. Pero bakit kaya meron kami isang dinner na kasama ang buong pamilya? Haay, baka nagiilusyon lang ako. Siguro ganun lang talaga.
Nasa school ako ngayon, kayamot! Ang aga ko kasi eh. Malay ko bang hindi pala traffic ngayon? Hahahah.
"GoodMorning, Philip!" Bungad ko kay philip dahil nakita ko syang paakyat ng hagdan.
Ngumiti naman sya sakin ng parang awkward? Ano meron sa kanya nowadays? Parang bipolar talaga!
Minsan ang lakas manukso tapos ngayon, parang nahihiya sya? Ano meron? Haay! Baliw na bata. Hahaha.
Isang oras pa ako mag-aantay para sa unang class. Tapos wala pa akong kaibigan na nandito. Si Philip hindi pa ako sure kung kaibigan ko sya. Kasi lagi nya parin ako inaasar na, asawa ko daw sya.
Dahil ba parehas kami ng surname kaya nya ako inaasar na mag-asawa kami? Pero tinanong ko na kila mama kung meron kaming kamaganak na Philip, wala naman daw. Pero nung tinanong ko yun kay mama gulat ang reaksyon ni mama nun.
Mabilis na lumipas ang mga araw at mamayang gabi na ang sinasabi ni mama na dinner namin.
Katabi ko nanaman si Philip ngayon at ewan ko ba dahil hindi sya mapakali.
"Philip ano ba ang meron bakit parang tense na tense ka?" Tanong ko sa kanya.
"O-oo. O-ok l-ang aako." Utal-utal nyang sagot. Whats wrong with him?
"Philip sabihin mo nga sakin ang totoo, ano ang nangyayari sayo?" Tanong ko ulit. Pero tumingin sya sa ibang direksyon.
"Philip?" Tanong ko pero masyado naman napalakas.
"Mr. Fernandez?" Tanong ni Ma'am sakin.
"I'm sorry!" Sagot ko.
Umiwas na ako kay Philip, "I hate you!" Sabi ko pero mahina.
"About pala sa magaganap na role playing, punta kayo sa inyong mga group para sa meeting." Sabi samin.
BINABASA MO ANG
O.M.G! I'm Engaged? (BoyxBoy) ♥Completed♥
Teen FictionSabi nila, Ang pag-ibig pag dumating "Grab it & Hold it" dahil sa dami ng tao na pwedeng makatanggap, Ikaw pa ang nabigyan. Kaya naman, Simula nang makaramdam ako nito pakiramdam ko, Ako na ang pinaka-Maswerteng tao sa mundo. Ngunit, Hindi ko napans...