Chapter 42 - Last Cry

6.6K 238 13
                                        

*Jade's POV*

Yes! J.S na bukas! Si Kuya Art, Pupunta nalang daw sya paghating gabi na. Si Mark naman gusto nya sabay kaming pupunta ng J.S hindi pa nga nya pinapakita sakin ang isusuot nya eh. Kaya ganun din yung ginawa ko sa kanya. Hahah.

6:00 Pm kami magkikita ni Mark, pupunta sya sa bahay. 8:00 pm pa naman ang start ng J.S eh.

Nagready na din ako para sa kakantahin ko bukas, Kakayanin ko ito. It's for you Ron!

Kinabukasang Hapon, Naliligo na ako para sa J.S kuskos dito kuskos dun. Ok na!

Paglabas ko ng C.R ko, Nakita ko si Mark nakaupo sa kama ko. What? Ang aga naman nya! Teka, buti naka brief at boxer short na ako.

"Hey, Little boy! Wow! Sexy Little boy! Hahaha!" Pang-aasar nya. Nang-asar pa ang loko! Naka Topless kasi ako eh.

"Pervert Big boy! Payat lang! Iba yung Sexy sa payat! Hahah. Labas ka muna, magbibihis na ako!" Sigaw ko sa kanya.

Naka-long sleeve na sya at naka white slacks. Ang Gwapo parin nya. Hihi! Parehas pa kami ng kulay ng long sleeve.

Lumabas na sya at ako naman nag-ayos na.

Pababa ako ng hagdan, Nakalagay sa braso ko ang coat na itim at naririnig ko sila Kuya Art at Mark na nag-uusap.

"Oh, Ayan na pala ang Princess ko. Ingatan mo yan! Alam mo naman yan mapagmahal! Hehe! Bunsoy, ang Cute mo dyan sa suot mo!" Sabi ni Kuya Art. Umikot nalang ang mata ko sa aking narinig. Grabe naman si Kuya!

Si Mark naman, ngiting aso. Hahaha. Feeling ko inaantay ako ng Prince Charming ko. Hihihi!

Si Kuya Art na ang nag-tawag ng Taxi. Grabe si Kuya pinagtaxi pa kami. Nakakahiya nga eh kasi libre nya ang sabi naman nya sakin, "kulang pa yan sa pagbawi ko. Heheh!" I really love my Brother!

Pagsakay namin ni Mark, "Buti nalang, Bati na kayo ni Kuya Art. Nakalibre pa ako ng pamasahe. Hehehe!" Kuripot talaga to.

Pagdating sa school, Andaming tao. Parang may Party kasi lahat naka suot ng maayos. Natutuwa naman ako kasi andaming pumupuri sakin na Bagay daw sakin ang suot ko. Syempre kay Mark andami din. Ang gwapo kaya nya. Anu ka ngayon Lovely? Hahaha.

Pumwesto na kami sa aming pwesto kasama ang mga kaklase namin, buti nalang hindi namin kaklase si Lovely.

Maya-maya, Dumating na ang taong nagdurog ng puso ko. Naka red long sleeve sya at Gray coat. Mas gwapo parin si Mark kasi White ang coat nya at white slacks. Baliktaran kami ni Mark eh. Kasi ako All black at yellow yung loob. Si Mark naman All white at yellow din ang loob. Hindi kami nagusap nyan.

Katabi ni Ron si Higad pero galeng, maganda naman talaga si Higad. Naka suot sya ng Red Gown. Edi Wow! Same sila ni Ron. Same naman kami ni Mark. Haha. Maganda nga pangit naman ugali. Tsk.tsk.tsk.

O.M.G! I'm Engaged? (BoyxBoy) ♥Completed♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon