*Jade's POV*
"Umiiyak ka ba?"
Tanong ng isang lalaki sa aking likuran, hindi ko pa sya tinitignan sa reflection ng salamin.
Kilala ko ang boses na yun! Hindi ako maaaring magkamali, Tinignan ko sya.
Pagtingin ko, Mas lalo akong umiyak. Humarap ako agad sa kanya at niyakap sya, sya lang ang makakaintindi sakin ngayon.
"Oh, bakit ka umiiyak? Sino ang may gawa nyan sayo?" Nag-aalala nyang tanong sakin. Hinigpitan ko lang ang yakap ko kay Jude, namiss ko sya sobra.
"Tara, wag tayo dito. Ikwento mo sakin yan lahat!" Matigas nyang sabi, tumango lang ako at hinatak nya ako palabas ng C.R.
Andito kami ngayon sa Mcdo, busog pa ako kaya fries lang inorder ko. Nakakahiya naman kasi kay Jude.
"Oh? Handa ka na bang ikwento sakin lahat?" Seryoso nyang saad.
"Hhmm, Tungkol kay Ron." Nahihiya kong sabi. Napaface palm nalang si Jude sa narinig nya.
"Haayst! Twin Brother, diba nagusap na tayo nung isang araw? Sabi mo iiwasan mo na sya?" Medyo inis na tono.
"Umm, ganito kasi yun....." At nilahad ko lahat ng nangyari simula kaninang pagpasok ko.
Wala naman dapat akong ikabahala kay Jude dahil simula't sapul e alam na nya kung ano ba talaga ako.
"Anung sabi mo? Ginawa nya sayo yun? Asan sya ngayon?" Galit na sya! Oo nga pala! Ngayon ko lang naalala, iniwan ko na sila Ron.
"Hala, Nakalimutan ko. Naiwan ko pala sila, saglit lang tatawagan ko." Nagmamadali kong saad.
Kinapkap ko ang bulsa ko, naalala ko may pasok pala kami ngayon kaya wala ako dalang Cellphone. Whahahah! Napakamot nalang ako sa ulo ko.
"Hhmm, Hehehe. Wala pala akong dala ngayon kasi bawal sa school. Hahaha!" Natatawa kong saad. Pero hindi nagbago ang reaksyon ni Jude. Galit parin sya tungkol sa nalaman.
"Wag mo nalang tawagan, hayaan mo sya! Tignan natin kung hindi yun mag-alala! Grabe sya, matapos nyang sabihin sayo yun tapos sasaktan ka na nya. Mukhang hindi ako boto sa kanya Twin Brother! Tsk Tsk Tsk." Seryoso nyang sabi.
BINABASA MO ANG
O.M.G! I'm Engaged? (BoyxBoy) ♥Completed♥
Teen FictionSabi nila, Ang pag-ibig pag dumating "Grab it & Hold it" dahil sa dami ng tao na pwedeng makatanggap, Ikaw pa ang nabigyan. Kaya naman, Simula nang makaramdam ako nito pakiramdam ko, Ako na ang pinaka-Maswerteng tao sa mundo. Ngunit, Hindi ko napans...