*Jade's POV*
Tok tok tok....
"Pasok!" Sagot ko.
Nakita kong niluwa si kuya Art ng pinto.
Mukha syang nag-aalala sakin, Ok lang naman ako.
"Oh, Problema natin dyan Tuya?" Tanong ko sa kanya habang naka-ngiti.
"Bunsoy? Ano ba ang iniisip mo? Bakit pumayag ka nalang kila Mama sa gusto nila?" Tanong agad nya sakin.
"Ano bang masama sa pagpapakasal sa isang lalaki na hindi ko pa nakikilala? Ang Cool kaya nun!" Sagot ko sabay ngiti na naaastigan.
Sumimangot naman sya sabay halukipkip ng mga braso.
"Haay! Akala mo naman hindi pa kita kilala, alam ko kung masaya ka talaga. Tsk, Tsk, Tsk! Sasabihin ko kila Mama na hindi ako papayag sa pagpapakasal mo sa taong hindi pa natin kilala." Pagbabanta nya.
Tumalikod sya, akmang lalabas ng kwarto ko. Tumayo ako sa pagkakahiga ko at lumapit sa kanya sabay yakap mula sa likuran nya.
"Tuya, alam ko na nag-aalala ka lang sakin, at nagpapasalamat ako dun. Alam ko din na natatakot ka na masaktan lang ako ulit gaya ng dati." Saad ko.
"Nasaktan na ako dati, at hanggang ngayon nararamdaman ko parin ang sakit na iyon. Pero Tuya, hindi na po ako bata na basta nalang magpapakamartyr gaya ng ginawa ko kay Ron." Pagpapatuloy ko umiiyak na ako ngayon, halo-halo na ang nararamdaman ko.
Tinanggal ni Kuya ang pagkakayakap ko sa kanya, humarap sya sakin at niyakap nya ako ng mahigpit. Lalo lang ako umiiyak dahil mas nararamdaman ko na may nagmamahal pala sakin, at si Kuya yun.
"Basta ito ang tandaan mo, Andito lang ako sa likod mo. Hindi kita hahayaan na masaktan ng todo, Oo given na ang masaktan ka pero ang nangyari gaya nung kay Ron? Hindi ko na hahayaan yun. Saktan ka lang nya, ako ang makakalaban nya." Saad ni Kuya habang hinihimas ang likod ko.

BINABASA MO ANG
O.M.G! I'm Engaged? (BoyxBoy) ♥Completed♥
Teen FictionSabi nila, Ang pag-ibig pag dumating "Grab it & Hold it" dahil sa dami ng tao na pwedeng makatanggap, Ikaw pa ang nabigyan. Kaya naman, Simula nang makaramdam ako nito pakiramdam ko, Ako na ang pinaka-Maswerteng tao sa mundo. Ngunit, Hindi ko napans...