Chapter 58 - Soft heart

8.6K 280 20
                                    

*Jade's POV*

Nagising ako, dahil sa ingay na naririnig ko mula sa baba. Andito na ulit ako sa kwarto ko.

Nakatulog ako dahil sa kakaiyak, kaya medyo masakit ang mga mata ko.

Hindi pa ako bumabangon, Parang wala akong gana. Nanghihina ako, dahil nararamdaman ko parin ang sakit na nagpaka-tanga nanaman ako.

Tiniis ko si Clark, pero sobra na. Hindi ko na nga natirahan ng pagmamahal ang sarili ko dahil sa kanya.

Bakit kasi ganun sya? Hindi ko tuloy alam ang sasabihin ko kila mama. Sasabihin ko ba na "Ma, hindi ko na kaya. Sorry"? Ganun nalang ang sasabihin ko.?

Pero mukhang hindi sila papayag. Dahil ayun talaga ang pangarap nila, pero hindi ko na talaga kaya. Pero anong magagawa ko? Lahat na ginawa ko pero wala talaga eh. Suko na ako.

Hindi ko na nakwento kay kuya ang nangyari dahil puro lang ako iyak. Hindi na nga ako nakakain ng dinner dahil dinala na ako ni Kuya sa kwarto ko.

Ang alam ko din, pinuntahan ako nila mama at papa pero tulala lang ako. Ngayon lang ako lumaban ng ganito. Bukod pala sa paglaban ko kila Ron at Lovely dati.

Nalulungkot din ako dahil buti pa sila masaya na, samantalang ako eto lagi nalang malungkot ang nangyayari. Nagpapakamartyr na nga ako pero lagi nalang ako nasasaktan. Kelan ba ako liligaya?

Kesa umiyak ulit, naisipan kong tignan ang phone ko. Teka? Parang wala akong nadala na phone kagabi? Tsk. Tsk. Tsk!

Pagtingin ko sa study table, nandun pala phone ko. Tinignan ko ang oras mula sa wallclock.

Halaaaa! 10:12am na? Grabe naman ako matulog. Agad akong tumayo at pumasok sa Cr. Nag-morning rituals na ako.

Paglabas ko ng Cr, bumaba na agad ako dahil nagugutom na ako.

Pababa ako ng hagdan, medyo maingay. Oo nga pala, Birthday ni Kuya Art ngayon. Pero mamaya pang 4:00pm magsstart yun ah?

"Goodmorning Jady, naku ah? Nagsleeping beauty ka nanaman." Pagtingin ko si Kim ang nakita ko.

Hindi ko alam ang naramdaman ko nung nakita ko sya, dali-dali ko syang nilapitan at niyakap sya ng mahigpit.

"Jady! Namiss mo talaga ako! Pero wag mo naman ako patayin. Masasayang ang ganda ko!" Grabe, wala parin nagbago sa bestfriend ko.

"Namiss kita, Kim!" Sabi ko sa kanya.

"Oy, andyan ang boyfriend ko. Baka magselos yun!" Saad nya sakin. Napalingon naman ako at nakita yung boyfriend nya. Wow, hindi pa sya nagpapalit ng Boyfriend.

"Ang galing! Ang tatag nyo!
Pero teka? Ano ang ginagawa nyo dito?" Sabi ko sa kanila.

"Birthday ni Kuya Art diba? Invited kami." Pagmamayabang nya.

"Hahaha. Akala ko kay Kuya tong birthday bakit parang akin?" Tanong ko sa kanya.

O.M.G! I'm Engaged? (BoyxBoy) ♥Completed♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon