Chapter 57 - Too much hurt

7.6K 267 3
                                        

*Jade's POV*

Ilang linggo na din ang lumipas simula nung nag-inom si Clark at..

At..

At

Nung niyakap nya ako.

Hindi parin mawala sa isip ko yung nangyari, bakit ganun? Nahihiya ako sa kanya dahil tuwing nakikita ko si Clark, bumibilis ang tibok ng puso ko. Teka! Mali itong nararamdaman ko dahil alam kong masasaktan lang ako.

Pero naaalala ko talaga talaga yung nangyari, grabe. Parang may kung ano sa sikmura ko na nangingiliti.

Niyakap nya kasi ako eh, tapos sinabi nyang "Kahit ngayon lang." Akala ko may sasabihin pa sya yun pala natulog na sya.

Hindi ko na sya nakausap about sa nangyari dahil nahihiya ako. Pero parang wala din naman kay Clark yun dahil normal parin sya kumilos. Ako lang yata ang hindi maka-move on.

Si Clark? Ayun, Walang pinagbago. Hindi parin nya ako pinapansin, lahat ng efforts ko balewala parin sa kanya.

Oo nga pala, dahil sabado bukas. Walang pasok, at higit sa lahat Birthday ng pinakamamahal kong kuya sa lahat.

"Babes, Musta? Tulala ka nanaman dyan. Si Clark ba ang iniisip mo?" Saad sakin ni Philip. Oo nga pala may pasok kami ngayon. Teka! Anong alam nya? Sinong Clark? Clark, as in Nathaniel ko? Wow, kung maka'KO' akala mo sa akin.

"Huh? Sino?" Sagot ko sa kanya. Kunyari hindi ko naintindihan.

Ngumiti naman sya ng nakaka-loko.

"Babes, may sasabihin ako sayo." Sabi nya sakin. Bigla naman akong kinabahan. May alam kaya sya samin ni Clark?

"Ano yun?" Bulong ko sa kanya.

"Mamaya na, pagtayong dalawa nalang." Bulong din nya sakin.

-

Andito na kami ngayon sa may tabi ng ilog pasig pero nasa loob parin kami ng PUP. May tambayan lang dito. Dito kami lagi nag-uusap pag seryoso ang topic. Kaya medyo kinakabahan ako.

"Philip, ano ba yun? Ang weird mo talaga today! Ano bang meron?" Tanong ko sa kanya.

Tumingin naman sya sakin ng seryoso, ay mas lalo lang ako kinakabahan. Ano bang balak nya?

"Alam kong engaged kana!" Sabi nya sakin ng mata-sa-mata.

"Huh? Ako? Talaga? Hahahaha. Wala pa nga ak-." Pinutol nya bigla ang sasabihin ko.

"Clark, Clark Nathaniel Gomez. Yan ang pangalan nya diba?" Nagulat ako sa sinabi nya. Panu nya nakilala? Hindi ako nagsasalita.

"Pinsan ko sya, Jade." Pagpapatuloy nya. Huh? Talaga? Weh? Nant-trip nanaman ba ito?

"Gomez ang Middlename ko." Sunod nyang sabi. Weh? Talaga?

Agad kong kinuha ang I.D nya, nakita ko na nagsasabi nga sya ng totoo.

O.M.G! I'm Engaged? (BoyxBoy) ♥Completed♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon