*Mark's POV*
Andito ako ngayon sa kwarto ko. Walang tigil sa pag-iyak. Pinaligpit ko na sa kapatid ko ang mga handa ko, Pinauwi ko na din muna si Lovely. Naintindihan naman nya eh.
Bakit ganun? Ang lungkot lungkot ko? Di ba dapat masaya ako? Kasi Birthday ko at sinagot na din ako ni Lovely.
Oo, Ilang linggo ko din syang niligawan. Kagabi, hinatid ko sya sakanila. Kaya ako nawala bigla. Alam kong may pangako ako kay Jade na ihahatid ko sya pauwi lagi. Kaso nakalimutan ko yun, dahil kay lovely.
Alam kong mahal ako ni Jade, sinubukan ko naman syang mahalin kaso parang nakababatang kapatid lang talaga ang turing ko sa kanya. Ngayon ko sana sasabihin sa kanya ang tungkol samin ni Lovely, kaso mukhang mali ako. Nakalimutan kong mas napamahal sakin si Jade, nagtataka din ako sa sarili ko dahil binabakuran ko sya pero hindi naman pala sya sakin.
Ang sama ko talaga! Tama sya! Parang pinaglaruan ko lang sya. Ang sakit-sakit dahil nanaman sakin kaya sya umiiyak. Wala na akong mukha na ihaharap sa kanya. Gusto ko syang habulin kanina kaso nawala sya sa paningin ko paglabas nya ng bahay.
Nagaalala ako sa kanya. Baka kung saan saan sya pumunta, kasama pa nya si Ron. Haaay! Bakit ba ako nagseselos sa kanya. Ang alam ko lang sa sarili ko, ayaw kong mapunta si Jade sa kanya. Kahit kanino! Haay ano ba itong iniisip ko. Kaibigan lang naman ako pero bakit nagkakaganito ako sa kanya? Mahal ko si Lovely, kaya ko nga sya niligawan eh. Kasi nagiging masaya ako makita ko lang sya. Pero bakit ganun? Kay Jade ko naman nararamdaman na sumasaya ako kahit ano ang gawin nya. Ang cute kasi nya eh para syang bata.
Tska bakit ako nalulungkot pag nakikita ko syang malungkot? Haay! Ang gulo ng isip ko. Kailangan may gawin ako. Kaso ano ang gagawin ko? Mukhang hindi na nya ako papansinin eh.
Hindi ako nakatulog sa kakaisip, nakaidlip lang siguro ako. Gusto kong puntahan si Jade. Gusto kong humingi ng tawad sa kanya. Kasalanan ko to eh.
Pumunta ako sa kanila tutal linggo naman. Walang pasok sila Tita.
Pumunta na ako sa kanila at naabutan ko si tita na aalis, may mga dalang bag. "GoodMorning po Tita, Andyan po ba si Jade?" Bungad ko sa kanya.
"Wala dito si Jade, ewan ko kung san sya pumunta." Sagot nya na parang wala sa mood. Hay! San kaya sya pumunta? Mukhang nahihiya ako kay tita dahil sa ginawa ko sa anak nya. Tska bakit parang aligaga sya?
"Hhmmm, sige po tita. Text nyo nalang po ako kung nakauwi na si Jade. Ingat po kayo." Lumakad na ako papunta sa sakayan para pumunta sa simbahan. Dahil alam kong nagsisimba si Jade lagi.
Pagdating ko dun, hinanap ko agad si Jade pero wala sya. Sumakay na ulit ako papunta kila Kim kasi baka nandun sya.
Pagdating ko dun, Wala din sya. Pero binati ako ni Kim. Mukhang hindi nya alam yung nangyari kagabi. Nagtanong ako kung alam nya kung nasaan si Jade tumawa sya dapat daw ako ang may alam nun. Pero bakit parang nasaktan ako? Dapat nga alam ko kung san sya pumupunta. Kaso ano ba ako sa kanya? Ang alam ko lang sinaktan ko sya.
Bumalik ako sa bahay ni Jade, nandun na din si kuya Art. Kaso hindi pa daw umuuwi si Jade, hala san kaya sya pumunta? Nagaalala na ako sa kanya. Gusto ko syang makausap. Inantay ko nalang sya sa labas ng bahay nila. Umupo ako sa may Labas nila tutal may upuan naman dun eh.
BINABASA MO ANG
O.M.G! I'm Engaged? (BoyxBoy) ♥Completed♥
Teen FictionSabi nila, Ang pag-ibig pag dumating "Grab it & Hold it" dahil sa dami ng tao na pwedeng makatanggap, Ikaw pa ang nabigyan. Kaya naman, Simula nang makaramdam ako nito pakiramdam ko, Ako na ang pinaka-Maswerteng tao sa mundo. Ngunit, Hindi ko napans...