Chapter 12 - Everything has Change

7.7K 266 12
                                    

*Jade's POV*

"Shhh. Tahan na! Nandito na ako" Sabi nya.

Wala parin akong tigil sa pag-iyak, akala ko kaya ko na syang harapin. Pero mas masakit pala na nilalait ka mismo ng taong minahal mo at Mahal na mahal mo parin.

Pero, Hindi parin ako susuko. Ipaglalaban ko ang nararamdaman ko. Hindi ako lalayo, lalayo ako physically pero gagawin ko parin ang mga bagay na naguugnay saming dalawa.

"Oh? Tumahan kana! Andito na ako. Pwede mong ikwento sakin ang lahat." Tumingala ako at tinignan ang maamo nyang mukha. Nararamdaman ko ang pakiramdam na Parang safe ka sa mga braso nya na nakayakap sakin. Nakita ko na ngumiti si Ron.

"Sorry ha? Hindi ko na kasi kaya eh. Pwede bang wag mo akong iwan?" Tanong ko sakanya habang humihikbi.

"Haay, Anu kaba! Hindi mo na kailangan magpaalam. Tara wag tayo dito. Hehe. Tara dun sa Canteen. Kainin nalang natin yang adobo mo. Hehehe" nahihiya nyang saad. Napangiti naman ako sa ginawa at sinabi nya.

"Hehe, Sige. Tara na. Dun ko nalang din ikikwento." Sabay hiwalay sa pagkakayakap sa kanya.

Pumunta na kami sa Canteen. At kinain namin ang adobong niluto ko, wow! Masarap huh? Pero nalulungkot parin ako. Kinuwento ko ang nangyari samin ni Mark, hindi ko alam kung bakit ako nagtiwala sa kanya pero magaan ang loob ko sakanya. At Kailangan ko talaga sya ngayon eh.

Letche naman si Kim, late na dumating. Kaya naman nung dumating na si Kim, Hinatak nya ako kay Ron. Pero sabi ni Ron sasama daw sya samin. Kaya hinayaan nalang namin. Nag-Cr muna si Ron, at kami ni Kim ang pumunta sa mga Event sa school. NagIkot-ikot lang kami. Nang bigla naming nasalubong sila Mark, Nagulat ako sa ginawa ni Kim. Kinuwento ko kasi sakanya yung nangyari kaninang umaga. Hinawakan nya kamay ko.

"Oh? Andito pala ang stalker mo, Mark? Mukhang ang lakas talaga ng tama nya sayo ha?" Natatawang sabi ni Dave. Tumawa nalang sila Mark na dahilan para madurog nanaman ang puso ko.

"Hoy! Dave! For your information, Si Mark ang may pangako kay Jade. Pa- Guardian - Guardian Angel pang nalalaman, Tss. Totoo nga sabi nila PROMISES ARE MEANT TO BE BROKEN! haaay! Tara na nga Jade, It's not your Lost!" Pagmamataray ni Kim. Hinatak na nya ako palayo kila Mark, Nakita ko ang mukha ni Mark na Parang seryoso.

O.M.G! I'm Engaged? (BoyxBoy) ♥Completed♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon