*Jade's POV*
Nagising ako, Pakiramdam ko nagising ako sa isang mahabang tulog. Masakit ang ibang parte ng katawan ko at hindi ako makapagsalita.
Nasa Hospital nanaman ako? Quota na ako dito ah? Marami akong benda sa iba't ibang parte ng aking katawan. Nakita ko si Ron na nakaupo at tulog ata?
Tumingin ako sa Orasan at nakita kong 10:23 pm na? Ibig sabihin Gabi na ako nagising? Kaya pala tulog si Ron dun. Gusto ko syang tawagin at tanungin kung ano ang nangyari. Kaso hindi ako makapagsalita.
Inisip ko nalang ang mga nangyari bago ako mawalan ng malay. At dahil dun, naalala ko nanaman ang nangyari sakin, at samin ni Mark. Umiiyak nanaman ako. Pakiramdam ko mas masakit ang puso ko kesa sa ibang parte ng katawan ko.
Puro benda ang katawan ko. Pero hindi ko ito ramdam. Naisip ko na kung hindi ko siguro binigyan si Mark ng chance, baka ang saya ko na ngayon at hindi ko nararamdaman ang mga ito ngayon.
Nakakaramdam ako ng Sakit sa dibdib, dala ng matinding pagsisisi, lungkot, galit at awa sa sarili ko. Oo, galit ako kay Mark dahil sa ginawa nya. Kaso hindi ko sya masisi dahil ako naman talaga ang TANGA. Nakalimutan ko na Kaibigan lang naman ako ni Mark, bukod sa Straight guy sya.
Pero kahit ganun, andaming tanong ang umiikot sa ulo ko ngayon. Bakit si Mark naging ganun sakin? Bakit sya nagseselos? Bakit ingat na ingat sya sakin? Bakit nung hinalikan ko sya dati hindi sya kumibo bagkus ay ngumiti pa ito? Bakit pakiramdam ko binabakuran nya ako para sa iba?
Pero kahit yun ang mga naiisip ko, laging nasa dulo ang sagot na DAHIL SIGURO KAIBIGAN NYA TALAGA AKO AT TINURING NA NAKABABATANG KAPATID. Masakit parin isipin na nagpakatanga ako sa kanya.
Ilang Oras na akong nakatulala at nagiisip habang may mga luha ang mukha hindi ko ito mapunasan dahil hindi ko makilos ng maayos ang mga braso ko. Nagising si Ron at dali daling tumakbo palapit sakin.
"Oh? Madaling araw na! Buti naggising kana? Umiiyak parin? Anu bayan! Buti sinundan kita agad, kundi baka hindi na kita naabutan ng buhay. Bakit mo ba kasi ako hindi inantay?" Medyo seryoso nyang saad. Hindi ako makasagot bagkus ay umiyak lang ako ng umiyak. Naintindihan nya siguro kaya pinunasan nya ang mga luha ko.
"Ssshhhh. Wag ka ng umiyak. Wala naman magagawa ang pagiyak mo eh. Kasi nangyari na! Andito naman ako. Tutulungan kitang maging masaya ulit. Hindi ako mangangako na gaya ng ginawa ni Mark dahil alam ko na mapapako naman pag ipinangako ko lang." Sabay punas ulit ng mga luha ko. Gusto nya siguro akong yakapin kaso hindi pwede.
Nagkwento nalang si Ron sakin ng kung ano-ano. Hindi nya isinasama ang mga nangyari bago ako mabunggo. Siguro dahil baka masaktan lang ako. Kaya hinayaan ko nalang sya. Naikwento nya sakin ang buhay nya. Mas nakilala ko sya ng husto. Nasabi rin nya sakin na pumunta si kuya kanina at naglala kaya kahit papano naging masaya ako dahil mukhang may paki parin sakin si Kuya Art.

BINABASA MO ANG
O.M.G! I'm Engaged? (BoyxBoy) ♥Completed♥
Teen FictionSabi nila, Ang pag-ibig pag dumating "Grab it & Hold it" dahil sa dami ng tao na pwedeng makatanggap, Ikaw pa ang nabigyan. Kaya naman, Simula nang makaramdam ako nito pakiramdam ko, Ako na ang pinaka-Maswerteng tao sa mundo. Ngunit, Hindi ko napans...