*Jade's POV*
Firstday of College here in P.U.P, Excited na ako para sa new environment. Although malayo ang school ko sa bahay namin kaya ko naman mag-adjust.
Naglalakad-lakad ako sa loob, andaming tao. Pang-umaga ang schedule ko. Hindi ko na makakasabay si Mark dahil malayo ang school nya sa school ko. Pero every tuesday naman sabay kami papasok. LRT naman kami eh. Same kasi kaming sched pagpasok ng tuesday.
"Hi? San po ba yung W218?" Tanong ko sa Student Assistant yata.
Tinuro naman nya yung diresyon papunta dun. Nang makarating na ako dun. May mga ilan-ilan na ang nandun. Mas magiging close ko ang mga babae kesa sa lalaki, Swear!
Umupo na ako sa isang bakante sa 2nd Row. Ok lang yun kasi mas Ok ako sa Second row kesa sa ibang row.
"Hi, I'm Pauline. Ano name mo cuty?" Tanong ng katabi ko. Trip nanaman ako nito. Mukha kasi akong elementary.
"Jade. Hello?" Sabi ko, syempre hiya-hiya pa ako noh.
"Ow, Gay ka?" Tanong nya sakin.
Ngumiti nalang ako, As I said hindi ko na kailangang ipaliwanag sa kanila. Bahala sila.
Maya-maya may mga pumasok na naka-block namin. Madami na kami, kinakausap nila ako syempre sumasagot naman ako. Mukhang magiging masaya ako dito ah?
Wala pang prof. Baka wala talaga. Hahahah. Ganun daw kasi yun karaniwan ng 1st day walang prof. Kaya Ok lang para maging close ko yung mga blockmates ko.
Maya-maya may dumating na ka-block din siguro namin. "GoodMorning! B.S. Entrep po ito?" Tanong nung lalaki.
Teka! Sya yung lalaki nung enrollment! Tama ako! Grrrrrr! Nakakabwiset! Ka-block ko sya? Panu na yan? Ayoko sa kanya, mayabang eh.
Naglakad na sya papasok sa loob at naghahanap ng upuan, umiwas ako ng tingin at nung napansin nya ako kinawayan nya ako. Na parang nang-aasar! Waaaaa! I hate him very much! Tapos biglang kumindat. Kaazaaaaar! Naka-hanap sya ng pwesto sa likod buti naman. Kaso ramdam ko na may nakatitig sa likuran ko.
"Ok guys! Wala pa tayong prof. Pero pwede naman tayo magpakilala isa-isa?" Tanong nung isang lalaki.
Tinuro nya yung 1strow, yung pinaka dulo. At nag-umpisa na magpakilala Isa-isa.
Katabi ko na, "Hi! I'm Pauline Meneses, you can call me Pau." Ganun lang naman kasi pagmagpapakilala.
Ok, my turn. "GoodMorning! I'm Jade Fernandez, you can call me Jade." Narinig ko na sumipol yung lalaking bwisit.
Hanggang sa yung lalaki na yung magpapakilala, "Hello! I'm Philip John Fernandez, you can call me Philip." Sabay kindat sakin.
"Oi, Pansin ko lang. Dalawa kayong Fernandez? Magkamag-anak kayo?" Malakas na pagtatanong ni Pau.
BINABASA MO ANG
O.M.G! I'm Engaged? (BoyxBoy) ♥Completed♥
Teen FictionSabi nila, Ang pag-ibig pag dumating "Grab it & Hold it" dahil sa dami ng tao na pwedeng makatanggap, Ikaw pa ang nabigyan. Kaya naman, Simula nang makaramdam ako nito pakiramdam ko, Ako na ang pinaka-Maswerteng tao sa mundo. Ngunit, Hindi ko napans...