Chapter 29 - Meet his Mom

6.7K 242 5
                                    

*Jade's POV*

Apat na araw na simula nung gabing may nangyari samin ni Ron, Kailangan ko na talaga syang iwasan

-FlashBack-
"Cutypie, Gusto mo ba may mangyari?" Tanong ni Ron. Whaat? Ano bang pinagsasabi nya? Nakakaloka. Wag mo akong ginaganyan Ron baka pumatol ako!

"Oy, cutypie? Ano gusto mo ba?" Sinabi nya ng pormal. Ha? Seryoso ba sya? Hindi pa ako ready, ayaw ko ibigay ang buong sarili ko sa taong hindi ko pa sigurado kung mahal din ako.

"Ah, Um, Ha? A-a-a-an-no-o ba-ba ya-ang p-pina-ag-sasab-bi m-mo? Ah, ha?" Utal-utal kong saad. Pakiramdam ko nalunok ko ang dila ko. Pinagpapawisan na ako.

"Oh? Ano ba? Bakit ka ba nauutal-utal dyan? Ok ka lang? Ang sabi ko, kung gusto mo bang may mangyari sa Birthday mo? Like Games, Gifts, At madami pa. Gusto mo ba?" Nakangiti nyang sabi. Whaaat? Para akong binuhusan ng malamig na tubig. May kasama pang bloke ng yelo.

"Um, Ah. Hindi, Hindi wa-wag nalang. Hi-hindi naman na ako ba-bata eh." Kamot ko sa ulo na sagot. Ngumiti naman si Ron ng nakakaloko.

"Ay, Alam ko ang iniisip mo. Hahahaha! Grabe ka Cutypie ah? Pwede naman mangyari yun kung gugustuhin mo. Kalabitin mo lang ako mamaya. Hahahahahaha!" Tawa ng tawang saad ni Ron. Kinurot ko ang tagiliran nya. Kaasar to.

Tumalikod ako sa kanya at nagtalukbong ng kumot. Grabe nakakahiya ito! Wala na akong mukha na ihaharap sa kanya. Birthday ko bukas tapos ganyan pa ang nangyari. Nakakahiya!

Tawa parin ng tawa si Ron, pero tumigil nung napansin na tumahimik ako.

"Oy, Cutypie. Tampo ka nanaman. Sorry na oh?" Saad ni Ron na may maamong tinig.

Hindi ko sya pinansin at natulog na ako.
-End of FlashBack-

Kailangan ko na talaga syang iwasan dahil mas minamahal ko pa sya. Grabe talaga yung ginawa nyang effort nung Birthday ko.

Paggising ko nun, may mga lobo ang buong kwarto ko. Kaya naman napangiti ako dahil alam kong para sakin yun. OA ko naman kung hindi ko pa alam na para sakin yun.

Paglabas ko ng pinto ng kwarto ko, ang ingay-ingay sa baba. At pagbaba ko ng hangdan, nagulat ako dahil pagbaba ko andun ang mga tita ko. Andami pa naman nila. Kaya kahit papano ay nahiya ako ikaw ba naman ang hindi pa naliligo. Buti nalang nakapaghilamos na ako sa kwarto ko.

Naging masaya ang Birthday ko, si Ron pala ang nagasikaso nun. Andun din si Mark, kahit naman humingi ako sa kanya ng space gusto ko parun syang makita sa b-day ko. Niregaluhan pa nga nya ako eh. Si Ron pa pala ang nagimbita sa kanya. Pero sabi ni Mark kahit hindi daw sya invited pupunta parin sya. Kaya mas lalo tuloy akong natakot dahil alam ko na paginiwan ako ni Ron magdudulot ito ng malaking sugat sa puso ko. May sugat pa nga dahil kay Mark.

O.M.G! I'm Engaged? (BoyxBoy) ♥Completed♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon