*Jade's POV*
Lumipas na ang mga araw, Nag-eenjoy naman ako sa pinapasukan ko. Dahil bukod sa malayo, may mga kaibigan ako na talagang mga siraulo. Hahaha.
Medyo madalang na din ang paguusap namin sa phone ni Jude dahil minsan paguwi ko, pagod na ako agad. Naiintindihan naman nya. Nag-aaral naman sya sa HAU, I.T ang course nya.
"Hey babes! Kumain kana ba?" Tanong sakin ng bwisit! Kahit kelan bwisit talaga yan. Hindi ko maintindihan ang ugali nya, lagi nalang nya ako inaasar.
"Tapos na!" Wala kong ganang sagot.
Umalis na sya agad, at ako tinuloy ang pakikipag-kwentuhan kila Pau.
Ganyan lagi si Philip sakin, hindi ko maintindihan kung may sayad talaga sya. O sadyang ganyan ang ugali nya.
Sya ata ang bully sakin eh? Pero ang naging bully lang naman sakin dati ay nung 1styear ako. Isama mo na pala ang isang tao na pinandidirian ko, si Dave.
Asan na kaya yun? Nag-aaral pa kaya sya? Natuto na kaya sya sa ginawa nyang pambababoy sakin?
Haay, bakit sya ang iniisip ko. Ang hirap talaga pag-vacant eh. Kasi lahat nalang ng bagay naiisip ko.
Bumabalik sakin ang mga bagay na nakasakit sakin, lalo na si RON. Bakit ba nya ako pinaglaruan? Alam naman nya na sobra ko syang mahal pero bakit ganun? Aminado ako, Mahal ko pa si Ron. Teka mali, Sobrang mahal na mahal na mahal ko pa si Ron. Pero dapat ko nang patayin yun, for the better.
Anyways, Musta na kaya ang mahal ko? Este si Ron? Ok lang kaya sya? Mahal pa kaya nya ako? Chos! Jade,Jade! Focus! Dapat mag-move on kana!
"Babes! Pasok na tayo!" Tawag sakin ni Philip na nagpabalik sa ulirat ko.
Tinignan ko ang relo ko, 1:53pm na! Whaaaaa! Bakit hindi ako tinawag nila pau? Late na ako. Sana walang prof. Agad akong nag-lakad papuntang room.
Pagpasok ko, wala pang prof. -_-
Haaay, thank you lord! Halos hindi na ako magkanda-ugaga sa paglakad ko kanina terror kasi yung prof namin sa psychology."Whaaaaaa! Pau! I hate you! Hindi mo ako tinawag! I think I'm dying!" Pagdadrama ko habang pa-upo ako sa tabi nya.
"Ang saya mo kasi tignan habang tulala ka. Hahahah. Sino nanggising sayo?" Pang-aasar nya.
"Ow, I forgot!" Sabi ko, nakalimutan kong magpasalamat kay Philip.
Lumingon agad ako kay Philip na may kinakalkal sa bag, "Philip, Thank you nga pala. Hihi!" Sabi ko, nahihiya kasi ako eh.
"No problem, babes!" Sabi nya sabay kindat. Owkey, sasanayin ko nalang siguro ang sarili ko sa kanya na lagi syang ganyan.
"Uy, I smell something fishy!" Sabi ni Drey. Sabay taas-taas ng kilay.
"Hininga mo yun, friend! Isda ulam mo kanina, Remember?" Sabi ni Leah. Bwhahaha. Grabe, talaga mambasag tong alakdana na to. Nagtawanan naman kaming lahat.
BINABASA MO ANG
O.M.G! I'm Engaged? (BoyxBoy) ♥Completed♥
Teen FictionSabi nila, Ang pag-ibig pag dumating "Grab it & Hold it" dahil sa dami ng tao na pwedeng makatanggap, Ikaw pa ang nabigyan. Kaya naman, Simula nang makaramdam ako nito pakiramdam ko, Ako na ang pinaka-Maswerteng tao sa mundo. Ngunit, Hindi ko napans...