Chapter 62 - Baby's Birthday

7.9K 269 17
                                    

*Jade's POV*

Guess what? Birthday ni Baby bukas. Hindi nga sakin sinasabi ni Clark yun eh.

Gusto ko syang magkaroon ng simpleng birthday. Gusto ko syang kantahan. Sasabihin ko na sa kanyang gusto ko sya.

"Babes, Ano bang gusto ni Clark? Yung magugustuhan nya na pwede kong ibigay sa kanya." Tanong ko kay Philip, may pasok kami ngayon eh. Sakto dahil natapat na saturday ang birthday nya.

"Hmmmmmm,
Ewaaaan...

Hindi naman kasi nanghihingi ng regalo yun eh. Tapos lagi pangtahimik dati kaya hindi ko alam ang gusto nun." Sabi nya.

"Ano ba lagi nyang ginagawa dati?" Tanong ko kasi pwedeng may ka-ugnayan nalang sa ginagawa nya.

"Hhhmmm,
Dati?....

Nag-gigitara sya, nagpatutor yun dati kumanta tapos sinabay nya na yung gitara." Paliwanag nya.

"Sige, Salamat!" Sabi ko. Tumango naman sya.

Edi gitara! Oh diba? Kaso mahal yun eh. Gas-gas ang ipon ko, pero Ok lang kasi para kay Baby naman eh.

Kantahan ko kaya sya? Tapos mag-gitara ako? Para sa kanya? Oh diba special yun.

Kaso hindi talaga ako marunong mag-gitara eh. Piano/keyboard lang alam ko.

Bibili din ako ng Cake nya para bukas, Kasi naman wala yatang balak mag-celebrate yang si Clark eh.

Agad kong kinuha ang phone ko, tatawagan ko ang makakatulong sakin.

Me: Hello, BigBoy?
Mark: Oh, LittleBoy? Napatawag ka?
Me: Magpapatulong lang sana ako.
Mark: Anything, Ano ba yun? Magpapaturo ka ba?
Me: Oo, Sana. Kung hindi ka busy.
Mark: Maaga uwi ko mamaya, saang subject ba?
Me: ah, Hindi... Sa gitara sana.
Mark: Ahh. Sige, antayin mo nalang ako sa tapat ng school ah?
Me: Sige, san mo ako tuturuan? Tsaka samahan mo ako bumili ng gitara.
Mark: Sige, Tawag nalang ako.

Tutal wala kaming P.E ngayon, Maaga din ang uwi ko. Direcho agad ako sa FEU.

-

Haaaay, Ubos ang pera ko. Medyo mahal pala ang gitara. Bumili pa ako ng sticker. Para design sa gitara.

Medyo late na akong naka-uwi, Andito na ako sa pinto ng condo namin.

Pumasok ako, wala si Clark sa sala. May naka-lagay din sa lamesang pagkain, wow. Pinagluto ako ng Baby ko?

"Baby? San ka?" Sigaw ko. Pero walang sumasagot.

Binasa ko yung note na nakalagay sa takip ng ulam,

Kumain kana dyan, Jade.
Nagluto na ako, walang gayuma yan.
-Nathaniel

O.M.G! I'm Engaged? (BoyxBoy) ♥Completed♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon