*Jade's POV*
Ayun, Nahiya tuloy ako kay Lyn. Kasi naman eh! Tapos tawa naman ng tawa si Lyn.
Ilang araw na din ang nakalipas at ga-graduate na si Ron. Nakaka-proud kasi kahit hindi sya kasama sa mga awardees, matataas naman ang grades nya. Nakakakilig pa nga dahil para daw sakin yun kaya ginalingan nya.
Well, Inspired din ako dahil sa kanya. Kaya naman Section Topnotcher ulit ako. Hihi!
Kukuha si Ron ng Information Technology na course. Ako wala pang na-iisip na course ang sabi sakin ng teacher ko mag Accountancy daw ako dahil magaling ako nung nagkaroon kami ng subject na Intro to Accountancy.
Gusto ko sana Business eh. Pero dahil wala pa naman, magiisip pa ako. Hihi.
Bawal manood ng Graduation nila Ron kung hindi ka family member. Kaya naman sabi ni Ron, Sasabihin nya sa nagbabantay na kung pwede ay manood ako. Tapos yun pumayag naman. Binigyan pa nga ako mg stub eh.
Graduation practice nila Ron, kaya naman hindi kami masyado naguusap, Haha. Usap talaga? O landian? Hahah.
Graduation Day nila Ron ngayon, Nasa labas pa sila kasi naka-pila sila eh. Pero kaming kasama, nakapwesto na. Tinignan ko ang mga kasama ko, karaniwan mga Special someone nila.
Pero nakita ko si Lovely hindi kalayuan sa pwesto ko. Nagtaka naman ako siguro may kuya sya Or family relative na kasama sa graduation? Hindi ko naman sya nakaka-usap lagi eh. Kaya hinayaan ko na lang.
Pumasok na ang mga Ga-graduate ang gwapo ni Macho-pie sa suot nyang toga.
Naglakad na sila sa pwesto nila, hindi ko na sya matanaw kasi ang laki ng ulo sa harapan ko. Kainis. Ako na pandak!
Isa isa na silang tinawag. Hanggang sa "Flores, Ron Jay D." Ang tinawag. Awwww, ang cute nya nung ngumiti sya ng matamis sakin, sakin ba talaga? O sa mga tao? Haha.
After ng graduation, nag punta na sila sa kani-kanilang room. Para magpaalam, kaya naman inantay ko na lang sya sa labas. Hindi ko na din makita si Lovely.
Mga ilang Minuto din akong naghintay wala pa din sya. Kaya naman bumili muna ako ng makakain sa tindahan. Sa tindahan ko na din ito kinain.
Nung bumalik na ako, wala padin si Ron. Siguro ganun din kami katagal paggrumaduate kami? Kasi maghihiwa-hiwalay na. Wala naman kasing College sa school namin eh.
Sa Manila daw si Ron mag-aaral sabi nya sakin. Ang tagal naman nila sa loob? Kanina pa ako dito ah?
Hanggang sa nakita ko si Lovely na lumabas ng Gate, Nilapitan ko ito.
"Oy, May relative ka bang grumaduate?" Tanong ko. Nagulat naman sya nung nakita ako.
"Uhmm, Me-meron! Pi-pinsan, Oo pinsan ko" sagot nya. Aaah. Ok.
"Nakita mo ba si Ron? Kanina pa kasi ako nag-aantay eh." Sunod kong tanong.
"Hinde! Hindi eh! A-antayin mo nalang, malamang palabas na yun. Yung pinsan ko nga iniwan ko na. Hehe!" Sagot nya. Pero bakit parang pilit lang ang tawa nya.
BINABASA MO ANG
O.M.G! I'm Engaged? (BoyxBoy) ♥Completed♥
Teen FictionSabi nila, Ang pag-ibig pag dumating "Grab it & Hold it" dahil sa dami ng tao na pwedeng makatanggap, Ikaw pa ang nabigyan. Kaya naman, Simula nang makaramdam ako nito pakiramdam ko, Ako na ang pinaka-Maswerteng tao sa mundo. Ngunit, Hindi ko napans...