*Jade's POV*
Pagbukas ko, nagulat ako sa nakita ko. "Diyos ko po!" Sabi ko.
Nakita ko si Mark na nakaupo sa sahig, Nakasandal ang likod sa kama nya at naka tungo lang ang ulo nya.
Agad ko syang nilapitan, umupo ako sa tabi nya at niyakap sya. Kailangan nya ako ngayon, Hindi ko sya iiwan hangga't hindi ko nasisigurado na ayos lang sya.
Nararamdaman kong umiiyak sya ngayon, naiiyak din ako para sa kanya. Unang beses ko palang sya makitang umiiyak. Parang nadudurog ang puso ko. Alam kong mahal ko pa sya, at alam ko din na ang pagmamahal na iyon ay higit sa pagkakaibigan ito yun parang kuya ko na sya?
Parte na sya ng puso ko, na kahit kailan ay hindi na mapapalitan. Ayaw ko syang nakikita na nahihirapan. Alam kong mahal na mahal nya talaga si Lovely, at wala akong magagawa dun.
Parehas kaming nasasaktan ngayon, ang pagkakaiba lang namin naranasan ko na yan. Masakit parin sakin ang ginawa ni Ron, Minahal ko sya ng totoo. Nagpaka-tanga ako sa kanya. Pero ganun siguro talaga sya.
"Bakit? Bakit, Little boy? Bakit kailangan nya akong lokohin?" Rinig kong sabi ni Mark. Umiiyak talaga sya.
Pasalamat ko talaga sa diyos dahil ayos lang sya. Hindi ito ang tamang panahon para pag-usapan namin ang mga bagay na nakakasakit samin. Malalagpasan din namin ito. Makikinig nalang muna ako sa kanya.
"Lahat ginawa ko, mahal ko sya pero bakit ganun?" Pagpapatuloy nya.
Yan din ang mga tanong sa isip ko. Mahal na mahal ko talaga si Ron, nagpaka-tanga na nga eh. Nasanay na nga ako na itinatago sa mga tao, ikinakahiya sa iba pagkasama dahil kay Ron. Pero tiniis ko ito dahil mahal ko si Ron. Hindi ko na napigilan tumulo na din ang mga luha ko.
"Sabihin mo sakin, Little boy. May problema ba sakin? Bakit kailangan nya akong lokohin?" Sabi ulit ni Mark. Lalo lang ako nasasaktan dahil nakikita ko si Mark na nagkakaganito dahil sa hayop na babaeng yun.
Andami pang sinabi sakin ni Mark pero hindi ako nagsasalita. Nakayakap lang ako sa kanya, mas matatag ako sa kanya ngayon kaya dapat ako ang sandalan nya.
Mga ilang oras din kaming ganun ang posisyon, itinayo ko sya at nakita ko ang mukha nya na punong-puno ng kalungkutan. Kung may magagawa lang sana ako sa kanya ngayon, ginawa ko na.
Pina-upo ko sya sa kama nya, nakatulala lang sya sa bintana nya. Kaya naman tumayo ako at bumaba para kumuha ng makakain ni Mark.
Nasalubong ko si Vincent, "Kuya Jade, Ok lang po ba si Kuya?" Nagaalala din sya.
"Ok lang sya, dito ako matutulog ngayong gabi. May noodles ba kayo?" Sabi ko. Agad naman nagliwanag ang mukha ni Vincent at itinuro kung nasaan ang noodles.
Niluto ko ito at dinala sa kwarto ni Mark. Pagdating ko dun, ganun parin ang hitsura nya. Kahabag-habag ang kalagayan nya ngayon.
"Kain kana, Big boy!" Sabi ko. Pero umiling lang sya.
BINABASA MO ANG
O.M.G! I'm Engaged? (BoyxBoy) ♥Completed♥
Teen FictionSabi nila, Ang pag-ibig pag dumating "Grab it & Hold it" dahil sa dami ng tao na pwedeng makatanggap, Ikaw pa ang nabigyan. Kaya naman, Simula nang makaramdam ako nito pakiramdam ko, Ako na ang pinaka-Maswerteng tao sa mundo. Ngunit, Hindi ko napans...