*Ron's POV*
Andito ako sa dorm ko ngayon, hindi ako mapakali. Ilang buwan na din akong ganito. Hindi ko maintindihan. May pasok na ako bukas, dapat masaya na ako.
Simula nung J.S nila Lovely, ganito na ang nararamdaman ko. Parang may kung ano sa loob ko na nagdudulot ng matinding sakit.
"Dre, Gala tayo?" Tanong sakin ni Clark, Kaibigan ko dito sa dormitory. Sya yung pinagtanungan namin ni Jade dati, sya pa nga ang nambwisit kay Jade noon.
"Pass na muna, Dre! Mag-aayos pa ako ng mga gamit ko eh." Sagot ko.
"Sige! Hanap na ako ng mga beautiful chicks! Hahaha!" Pag-bibiro nya.
Kahit kelan, nakapaka babaero nya. Pero ni-isa sa kanila ang minahal nyan. Ewan ko nga dyan, sabagay ilang taon din kasi yan sa ibang bansa eh. Tapos may hitsura pa.
Pagtinatanong ko nga yan kung may minahal sya ang sabi nya wala. Kahit kelan wala syang sineryosong babae. Nagrerebelde pa sa magulang.
Umalis na sya sa kwarto ko, At ako bumalik sa pagiging tulala. "Haaaay!" Buntong hininga ko.
Bakit ba ganito ang nararamdaman ko? Bakit parang nahihirapan ako? Sobrang lungkot ko pa.
Dapat masaya na ako dahil nasaakin na si Lovely, pero bakit ganito?
Ginamit ko lang talaga si Jade, alam ko masama ang ginawa ko. Ginamit ko sya para makalimutan si Lovely, pero bumalik si Lovely eh.
Bakasyon nung inamin nya na mahal pa nya ako at mas lalo lang daw nya ako minahal nung nagkahiwalay kami. Minahal daw nya si Mark pero mas mahal daw nya ako.
E ako naman kasi hindi pa sigurado sa nararamdaman ko kay Jade, ang alam ko lang masaya ako pagkasama sya. Pero mahal ko talaga si Lovely eh.
Kaya alam kong hindi ako mapapatawad ni Jade dahil pinaasa ko sya na mahal ko sya pero hindi naman pala. Sobrang sama ko talaga!
Pero wala na eh, kaya ano pang magagawa ko? Pero bakit ganito? Nasasaktan ako pagnakikita ko si Jade.
Nung J.S nila Lovely, dun lumabas ang ganitong nararamdaman ko.
-FlashBack-
"GoodEvening! This is Our Surprise! Kakanta ang music club para sainyo. Enjoy!" Sabi ni Sir Jay.
Bakit ganito? Kinakabahan ako? Parang nagwawala ang dibdib ko.
Umakyat si Jade at ngumiti sa maraming tao. Kumaway sya sa likod nakita ko ang Kuya nya. Teka? Ok na siguro sila. Kahit papano masaya ako para kay Jade dahil Ok na sila ng kuya nya.
Nagumpisa na silang kumanta, si Jade lang ang tinitignan ko. Nakikita ko na sa pagkanta talaga sya sumasaya. Naalala ko tuloy na dahil sa pagkanta nya, naging malapit ako sa kanya.
Biglang may lumapit sakin habang kumakanta sila, Isang babae na hindi ko kilala.
"Ikaw si Ron diba?" Medyo maangas nyang tanong. Tumango lang ako.
"Aaah, I see. Tignan mo si Jade oh!" Sabay turo nya kay Jade. Hindi ko alam kung ano ang pino-point nya. Inaasar ba nya ako?
"Tignan mo oh! HINDI MO ALAM KUNG SINO ANG PINAKAWALAN MO! sige!" Sabay talikod nya sakin. Bigla akong nalungkot na hindi ko alam ang dahilan.
Ang weird nung babae. Ang alam ko lang kaklase sya ni Jade. Pero parang tinamaan ako sa sinabi nya.
Si Jade na ang may Solo part. Lagi naman syang meron dahil magaling talaga sya.
Tumingin sya sakin, Parang nagwawala ang dibdib ko. Pero naramdaman ko na pumulupot ang braso sakin ni Lovely.
"GoodEvening! Hey, Macho-pie! This song is for you!" Sabay ngiti ng matamis. Sinabi nya yun habang nakatingin sakin. Kinabahan ako nung sinabi nya yun. Bumibilis din ang tibok ng puso ko.
Nagumpisa na syang kumanta, Bigla akong nalungkot sa kanta nya. Dahil bawat lyrics ng kanta tumatagos sa puso ko. Nag-papaalam na sya sakin. Pagtumitingin sya sakin, nakikita ko ang mga luha nya. Alam kong totoo iyon. Naluluha na din ako dahil sa kanya.
Ang ganda ng tinig nya, ramdam mo ang pinagdadaanan nya. Galing talaga sa puso nya ang kanta at tumatagos sa puso ko. Ngumingiti sya sakin pero alam kong peke yun.
Ang sakit sa pakiramdam, parang ako ang nagdulot sakanya ng matinding kalungkutan.
Natapos ang kanta, pero nanakbo agad sya sa backstage. Susundan ko sana sya kaso hinarang ako ni Kuya Art.
Pumunta na din ako ng banyo at dun umiyak. Isang beses palang ako umiyak ng ganito, at dahil pa kay Jade.
Lumabas ako at nagsimulang matulala.
-End of FlashBack-
Hanggang ngayon, nararamdaman ko parin ang sakit at lungkot.
Isa lang ang nararamdaman ko, lungkot. Dahil pakiramdam ko mahalaga sakin si Jade. Tama kaya ang sinabi sakin nung babae? Na hindi ko alam kung sino ang pinakawalan ko.?
Tama sya dahil si Jade Maalaga, Maalahanin, Mapagmahal, At higit sa lahat LOYAL sya. Alam ko yun dahil ramdam ko yun.
Pero mahal ko si lovely.
Tumawag si Lovely,
-Call-
Me: Love? Napatawag ka?
Lovely: Miss na kasi kita Babe eh. Kung pwede lang sana dyan din ako mag-Dorm.
Me: Alam mo naman na hindi pwede diba? Tska magkasama naman tayo bukas dahil parehas naman tayo ng School ah?
Lovely: Oo nga kaso hindi naman sabay ang Schedule natin. Gusto mo punta ako dyan?
Me: Wag na! Nag-aayos pa kasi ako ng gamit eh.
Lovely: Edi tulungan kita.
Me: Kaya ko na.
Lovely: Sige na nga. Sige, Bye. I love you!
Me: I Love you too.!
-End of Call-Haaay, Dumag-dag pa sya sa isipin ko. Bakit ba kasi Jade hindi ka mawala sa isip ko?
Mahal ko si Lovely ha! Hindi ko lang maintindihan ang nararamdaman ko. Ang gulo-gulo ng isip ko.
Gusto kong mag-wala dahil sa nararamdaman ko. Tama ba talaga ang naging desisyon ko?
Ang pakawalan ko si Jade? Naisip ko din kasi na pagnaging kami, Pano kami magiging masaya? E hindi kami tanggap ng lipunan. Kaya nga nung sinusundo ako ni Jade umiiwas ako eh.
Kaya dagdag din sa kalungkutan ko na naging martyr si Jade dahil sakin. Halos sya gumagawa ng effort para magkasama kami.
Kahit kelan hindi ko nasuklian ang pagmamahal na binibigay sakin ni Jade. Lagi nalang ako gumagawa ng dahilan para umiyak sya. Sa lahat pa naman ako ng umiiyak si Jade. Ang precious kasi ng smile nya. Bawat makita ko si Jade na umiiyak, hindi ako makatulog sa gabi.
Haaay, Ang gulo talaga ng nararamdaman ko! Pag-iniisip ko si Jade bumibilis ang tibok ng puso ko. At higit sa lahat nalulungkot ako. Mahal ko ba sya?
Haaay, Jade!
Mahal ba kita? Bakit ngayon ko lang nalaman?Isa lang ang sigurado ako, Mahal yata kita!
Itutuloy.....
(A/N: Ayan, Mahal pala ni Ron si Jade. Naku ka Ron. Bakit mo nga ba kasi pinakawalan si Jade? Ewan ko sayo. Anyways sorry pangit tong chapter na to kasi si Ron ang P.O.V eh hahahhaha. Hello mga readers kung meron man.!xD Votes, Comments and Share!)
BINABASA MO ANG
O.M.G! I'm Engaged? (BoyxBoy) ♥Completed♥
Teen FictionSabi nila, Ang pag-ibig pag dumating "Grab it & Hold it" dahil sa dami ng tao na pwedeng makatanggap, Ikaw pa ang nabigyan. Kaya naman, Simula nang makaramdam ako nito pakiramdam ko, Ako na ang pinaka-Maswerteng tao sa mundo. Ngunit, Hindi ko napans...