Chapter 48 - Melting Heart

6.2K 235 15
                                    

*Philip's POV*

"Oh Dre? Ok ka lang ba? Bakit ganyan ang mukha mo? Parang hindi ka natutulog? Tapos tulala ka pa!" Tanong sakin ni Geron.

"Ha? Bakit mo naman nasabi?" Sagot ko agad.

"Kanina ka pa kasi tulala dyan, kanina pa ako magk-kwento dito hindi ka naman nakikinig. Ano bang iniisip mo? Babae ba? Mukhang nagpuyat ka ah?" Saad nya habang nagtataka.

"Wala, iniisip ko lang yung ire-report ko sa psychology. Tapos Andaming lamok kagabi." Palusot ko habang kunyari nagiisip at nagkakamot.

"Ha? E Group 4 palang ah? Group 7 pa kayo. Hahaha. Isip ka pang palusot! Hahahahah.! Aminin mo na kasi na may iniisip ka nanaman." Kontra nya. Haaay, Ok huli na ako.

Nanahimik nalang ako at pinagmasdan ang isang tao na naging dahilan ng pagpuyat ko. Buti nalang sa harap ko sya naka-upo para hindi halata na sya ang tinignan ko.

Bakit ang saya nya? Hindi nya ba kayang magpakatotoo sa sarili nya? Ang mga kaibigan nya hindi yon nahahalata, bakit ako simula nung nagkausap kami at pagnatutulala sya alam ko na.

Alam kong may problema si JADE. At hindi ko alam kung ano yun, ayaw naman kasi nya magkwento. Pero ang alam ko lang, Nasasaktan sya dahil dun.

Bilib ako dyan kay Jade dahil sa kabila ng problema nya, hindi nya pinapahalata sa mga kaibigan nya. Siguro dahil gusto nya na hindi na sila ma'mroblema.

Haaaay! Jade ikaw nanaman ang nasa isip ko. Ano ba? Tigilan mo na ako. Dalawang gabi na ako hindi makatulog ng maayos dahil sayo. Mas lalo na nung Unang araw dahil halos hindi na ako natulog buti nalang walang pasok nun kinabukasan.

Nawala ang pagiisip ko nanaman sa kanya nung napansin kong tumayo sya, dumating na pala ang prof namin na psycho. Hahaha.

Reporter pala ngayon si Jade, buti naman at mataas ang self confidence nya kaya hindi sya nahihiya. That's my babes! Hahaha.

Sa kanya lang ako nakatulala, kahit hindi sya ang nagsasalita. Mukha na ako ditong tanga sa ginagawa ko, pero wala akong magawa dahil masaya ako pagnakikita sya.

Teka! Dapat hindi ito ang nararamdaman ko, ano ba ang nangyayari sakin?

Jade, may ipinakain kaba sakin kaya ako nagkakaganito sayo?

Simula nung nakita kitang umiiyak ganito na ako, parang may kung ano sa loob ng dibdib ko na natutunaw nung makita kitang umiiyak.

Siguro dahil hindi bagay kay Jade ang umiiyak kaya ganito ang nararamdaman ko. Pero hindi eh, kasi bakit pagibang tao ang umiiyak wala naman sakin yun?

O.M.G! I'm Engaged? (BoyxBoy) ♥Completed♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon