Chapter 55 - Jade's Effort

7.1K 261 14
                                    

*Jade's POV*

"Pagsumusobra na sya, Tigilan mo na. Hindi ka dapat nagpapaka-tanga sa kanya."
Yan ang mga linya ni Mark na tumatatak sa isip ko.

Alam na din nya ang tungkol samin ni Clark. Syempre, Nagulat sya dahil hindi daw nya inaakala na may ganun pang pamilya na gusto ng fixed marriage.

Mas nagulat daw sya kasi parehas kaming lalaki. Pero tinanggap na lang nya dahil wala naman na daw syang magagawa.

Kaya ayun, binilinan nya nalang ako ng mga ganung salita. Tapos sya pa ang kumain ng pabaon ko sana kay Clark na hindi naman kinain.

Haay, Bakit ba kasi ang mysterious nyang tao?

Marami ng araw ang lumipas pero hindi parin sya nagbabago. Lagi nalang sya tahimik.

Paglinggo at wala akong NSTP, Kahit parehas kaming nasa iisang lugar hindi parin nya ako kinakausap. Puro lang sya laptop o kaya umaalis sya.

Pero kahit ganun, Hindi parin ako nagbabago para sa kanya. Iniintindi ko sya dahil alam ko sa sarili ko na ayun ang dapat kong gawin.

Minsan pag-iniisip ko na sumuko sa kanya, parang may parte ng utak ko na nagsasabing kailangan ako ni Clark para magbago sya. Kaya ayun, minsan iniiyak ko nalang sa unan ko ang sakit na nararamdaman ko.

Sabihin nyo ng MARTYR ako, ginawa ko na yun kay Ron. Pero alam kong iba si Clark sa kanya. Kaso patagal ng patagal, parang iniisip ko na sumuko nalang. Kaso iniisip ko din kasi na, kung sya ang mapapangasawa ko kahit hindi nya ako mahalin basta mabago ko sya masaya na ako.

May divorce naman sa ibang bansa kaya Ok lang. Kung iniisip lang nila mama ang tungkol sa pera na naka lagay sa banko, handa akong ikasal sa lalaking hindi ko mahal para sa magulang ko at para sa pangarap nila.

Tsaka, Hindi ko na nga iniisip na may magmamahal sakin ng totoo. Parang sumuko na din ako sa sarili ko na ang gaya ko, kahit kelan hindi seseryosohin o mamahalin ng isang lalaki.

Kahit hindi kinakain ni Clark ang niluluto ko sa kanya araw-araw hindi ko parin tinitigilan ang pagluluto para sa kanya.

Lagi ko parin syang kinakausap kahit feeling ko hangin ang kausap ko. Gusto ko kasi ma-feel nya na approachable ako.

"Oy, Jade. Tulala ka nanaman dyan." Sita sakin ni Pau na nagpabalik sa ulirat ko.

Nakalimutan ko na nasa school nga pala ako at nagpapractice kami para sa play namin.

"Jade, pansin ko lang lagi ka nang tulala. Ok ka lang ba? Tapos parang puyat ka lagi. Minsan ang aga mo dito sa school. Sabihin mo nga sakin ang totoo...." Pinutol pa nya ang tanong nya. Bigla tuloy akong kinabahan.

"Nagda-drugs ka ba?" Pagpapatuloy nya.

"Bwiset ah? Grabe ka naman sakin." Nasabi ko sa kanya. Tawa naman sya ng tawa, lokaret ka talagang hayop ka.

"Philip! Itong asawa mo. Ano ba ang nangyayari dito?" Sigaw nya kay philip. Tumingin naman sakin si Philip.

O.M.G! I'm Engaged? (BoyxBoy) ♥Completed♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon