Chapter 63 - Moving closer

8.1K 251 18
                                    

*Jade's POV*

Ilang araw na din ang lumipas, mas lalo kong nakikilala si Clark. Sobrang maalaga sya, mabait at seloso.

Oo, Seloso sya! Grabe! Pero alam ko na seloso din naman ako eh. Kaya Ok lang, pero bawat araw lagi nya nalang ako pinapakilig.

Ewan ko pero hindi ko pa sya lubusang minamahal, sabi sakin ni Jude 'Tuluyan mo syang mamahalin kung mawawala ang galit mo kay Ron, dahil alam ko na pagpinatawad mo na si Ron kaya mo nang magmahal ng totoo.' Siguro totoo nga, dahil minsan pagnaiisip ko si Ron, parang may kulang eh.

Nakakatawa yang si Clark, grabe! Alam mo ba naman nagseselos sya dun sa lalaking nagde-deliver ng mineral water sa condo namin? Nag-hello lang sakin tapos kumundat nagalit na agad. Sinabi ba naman nya sa lalaki 'Ayos ka brad ah? Asawa ko yan!'. Napangiti nalang ako nung narinig ko yun.

"Jade, malapit na mag-pylon run ah?" Sabi sakin ni Pau.

Malapit na kasi ang foundation anniversary ng PUP. Tapos nagkakaroon ng Pylon run, eto yung tumatakbong mga lalaki na nakahubad. Napaka-siraulo talaga ni Pau, gustong mamboso.

"Grabe ka! Hindi ako papasok nun eh. Wala naman daw gagawin." Sabi ko nalang.

"Tsaka, hindi pala ako pinayagan mag-sleepover para sa tanglaw run." Dugtong ko. Required kasi pag-1st year at 2nd year ang umattend ng tanglaw run.

"Eh panu yun? Masyado kasing maaga yun eh, hindi pa yata bukas ang LRT tapos sa Quirino Grandstand pa tayo." Sagot nya.

"Ihahatid nalang daw ako." Sabi ko naman. Ayaw kasi ni Clark na mag-sleepover ako eh, Seloso nga! Pero ang gusto talaga nya Ihahatid nya nalang ako.

Bigla naman may tumawag sa phone ko,

Baby ko, Calling......

Tapos yung picture nya na sobrang gwapo ang nakikita sa screen. Adik talaga yun. Pano kasi nagselfie sya sa phone ko. Kinakalkal nya lagi ang phone ko eh. Tapos ginaya ko sya kaya, nagselfie din ako sa phone nya. Hahahaha.

Me: Hello, baby? (Tumingin sakin si Pau at ngumiti na parang kinikilig)
Clark: Baby, Uwi ka agad mamaya ah?
Me: Bakit naman?
Clark: Ipapakilala kita ng maayos sa mga kaibigan ko, diba sabi ko sayo babawi ako.
Me: Ano susuotin ko?
Clark: Sila nalang papapuntahin ko, kahit ano naman suotin mo....

Cute ka parin....

Kahit ano naman hitsura mo.....

Gusto parin kita.
Me: Wag mo nga akong pakiligin. (Nakangiti na ako ng wagas, tawa ng tawa si Pau sakin)
Clark: Sige, sa bahay nalang kita papakiligin. Hahaha.
Me: Baliw ka talaga!
Clark: Sayo lang naman ako nababaliw eh.
Me: Tama na! Kahit sa phone pinapakilig mo ko. (Boses kong malande. Hahahahaha)
Clark: Hahaha, sige na nga! Basta ah! Umuwi ka ng maaga!
Me: Opo, Baby!
Clark: Bye , Baby!

O.M.G! I'm Engaged? (BoyxBoy) ♥Completed♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon