*Jade's POV*
"Mag-eenjoy lang tayo dito ha? Ready ka na?" Tanong nya sakin.
Tuwang tuwa ako na parang bata, 1st time kong makapunta dito. Sila Mama kasi laging busy, kaya hindi kami nakakapaggala. Kaya naman susulitin ko talaga to. Buti kasama ko si Ron.
Agad-agad kaming inabutan ng teacher namin ng papel na isusuot sa kamay para ata sa ride all you can. Si Ron naman ang OA, sya parin ang nagsuot sakin at ako ang nagsuot sa kanya.
Naglalakad palang kami para magikot-ikot ng makita namin si Mark at Lovely na nakakuyapit ang mga braso sa braso si Mark. Higad talaga! May kurot nanaman sa dibdib ko. Pumila sila sa Anchor's away bayun? Basta yung may parang barko. Dapat dun kami eh. Napatungo nalang ako. Pero naramdaman ko nanaman ang kamay ni Ron na nasa kamay ko. Tinignan ko sya, at agad akong napangiti kasi ang positive talaga ni Ron.
Nagulat ako sa ginawa nya, hinatak nya ako agad-agad. Dahilan para mapasigaw ako 'aaah, wait lang!'. Napatingin sakin ang mga tao at si Mark na agad nagbago ang mukha na parang galit na. Iniwas ko agad ang tingin sa kanya at nagpaanod kay Ron na parang bata na excited pa sakin.
Nakapila kami ngayon sa Swan lake -_- hahaha. Nakakaloka tong si Ron ewan ko kung bakit eto ang pinili nya. Pero bakit parang kinikilig ako? Kasi dahil pang lovers lang at pang bata to ah? Nakatingin lang samin ang mga nakapila at nakatingin sa O.M.G! Nakalimutan kong magkaholding hands pala kami. Tinignan ko si Ron, at biglang bumulong "hayaan mo sila, inggit lang sila saten. Haha!" Saad nya na nagpatawa sakin.
Kami na ang susunod, si Ron ang unang sumakay at inalalayan nya akong makasakay. Ng makasakay na kami para kaming bata, picture dito picture dun. Mga kasama namin mga couple. Nagpepedal lang ako, Si Ron naman nagpepedal din at sya ang naggagalaw sa direksyon namin. Pero natakot ako kasi dirediretso lang sya eh merong parang fountain dun tapos sakin nakatapat. Waaah! Papaliguan ba ako ni Ron? Hinawakan ko kamay nya at iniiba ang direksyon, tumatawa naman si Ron sa kalokohan nya. Kinurot ko ang tagiliran nya tawa parin sya ng tawa. Kaloka to.
Pedal parin kami ng pedal at inakbayan lang ako ni Ron ako naman ang may hawak sa Direksyon. Picture naman sya ng picture puro stolen sakin. Kaasar to! Ang pangit ko dun. Nang biglang pumito na ang bantay haay! Bitin naman.
Paglabas namin, nag-ikot na kami kung saan-saan. Napunta kami sa park si Ron hawak parin ang kamay ko. Bakit parang may nararamdaman akong kakaiba kay Ron ngayon? Nakaupo lang kami sa upuan at hawak ang mapa kung saan kami susunod na pupunta. Ang sabi ko kay Ron ako naman mamimili ng sasakyan namin.
Napili ko yung flying fiesta ba yun? Basta para kang nakasakay sa swing tapos tumataas. Magkahiwalay na kami ni Ron dun kasi gusto daw nya masolo ko muna yung rides, ang sarap sa pakiramdam na para akong isang ibon pagmataas na yung pwesto. Gusto ko kasi talagang masubukan yun. Buti nga kasama ko si Ron eh.
Pagtapos namin dun, naghanap muna kami ni Ron ng pwedeng kainan. Dahil medyo nagugutom kami, napili namin yung may mga gulaman-gulaman. Si Ron ang bumili ng mga kakainin namin. "Oh ayan, kumain muna tayo dito. Ayaw kong mamayat ka Cutypie! Subuan kita ah?" Masigla nyang saad. Na ikinatuwa ko.
"Yes, Macho-pie! Hahahah. Kumain kana muna din!" Saad ko. Tinatawag ko syang ganun pagtinatawag nya akong cutypie. Mas malaman kasi sya kay Mark eh. Kaya para sakin mas macho sya. Hahaha.
BINABASA MO ANG
O.M.G! I'm Engaged? (BoyxBoy) ♥Completed♥
Teen FictionSabi nila, Ang pag-ibig pag dumating "Grab it & Hold it" dahil sa dami ng tao na pwedeng makatanggap, Ikaw pa ang nabigyan. Kaya naman, Simula nang makaramdam ako nito pakiramdam ko, Ako na ang pinaka-Maswerteng tao sa mundo. Ngunit, Hindi ko napans...