*Jade's POV*
"Arrrrgh! Nakakainis ka na!" Sigaw ko sa kanya dahil sa narinig ko.
Balak nya ba naman na sa lapag ako matutulog at sa kama sya.
"That's enough! Ako ang may-ari ng Condo na to kaya ako ang masusunod! That's final!" Sagot nya na mas malamig pa sa yelo.
"Excuse me! Sa ating dalawa tong condo na to, remember? Baka nakapangalan satin to, Mr. Gomez" Pag-mamataray ko sa kanya.
"Remember the rule number 4?" Saad nya sakin sabay smirk na akala mo nang-aasar.
Pagnaguusap kami hindi kami nagtitinginan sa mata dahil ewan ko? Siguro dahil parehas kaming naiilang.
"Urrgh! Fine!" Alam kong talo na ako.
"Yan ang House rule number 1!" Sabi nya na akala mo'y teacher.
"2. Ayoko ng maingay sa condo KO, dapat hindi ka sisigaw o gagawa ng ingay na ikagagalit ko.
3. Sa Cr ako ang mauuna, pag nagtagal ka sa Cr papasukin ko agad yun.
4. Kanya-kanyang kain.
5. Kanya-kanyang laba. Wag na wag mong papakialaman ang mga damit ko, baka pinag-aamoy mo ya-" Tuloy-tuloy na sabi nya na pinutol ko."Yuck! Mandiri ka nga! Wag kang feeling dyan." Sabat ko.
"6. Wag mong papakialaman ang mga gamit ko.
7. Ayaw kitang makikita na mag ii-stay ng matagal dito.
8. Bawal mag-sama ng kahit na sino dito.
9. Pagnandito ang mga kaibigan ko, I'm your master.
10. Gagana parin ang general rules dito." Pagbibida-bida nya."Ok fine! Pwede na ba akong matulog?" Tanong ko, dahil 11:26pm na. Maaga pa pasok ko bukas. Antagal kasi namin este ako lang pala ang nag-ayos ng mga gamit dito dahil sya umalis lang.
Umalis na sya agad sa harapan ko ng hindi manlang sumasagot.
Inis na inis na ako sa kanya. Bakit ba kasi ganun ang ugali nya. Hindi ko naisip na ganito pala kahirap makasama ang lalaking to.
BINABASA MO ANG
O.M.G! I'm Engaged? (BoyxBoy) ♥Completed♥
Teen FictionSabi nila, Ang pag-ibig pag dumating "Grab it & Hold it" dahil sa dami ng tao na pwedeng makatanggap, Ikaw pa ang nabigyan. Kaya naman, Simula nang makaramdam ako nito pakiramdam ko, Ako na ang pinaka-Maswerteng tao sa mundo. Ngunit, Hindi ko napans...