Chapter 82 - Bad Blood

10.5K 265 46
                                    

*Jade's POV*

"Bayad pooooo!" Sigaw ni Clark sa driver kasabay ng bayad.

"Dalawang Stop n' Shop, estudyante." Dugtong nya nung makarating sa driver yung bayad.

"Teka? Bakit dalawang Stop n' Shop?" Tanong ko sa kanya.

"Ihahatid kita." Simple nyang sagot.

"Awww." Di ko mapigilang sabihin.

Ngumiti naman sya sakin,
"Sweet ko ba?" Tanong nya.

"Ni-libre mo kasi ako eh, nagtitipid pa naman ako." Pang-asar ko sa kanya.

"Loko!" Sabi nya sabay gulo ng buhok ko.

"Argh, ang hirap ngang ayusin eh." Sabi ko.

Agad naman nya itong inayos, para tuloy akong bata na inaayusan ng buhok. Nagpapasunod naman ako.

"Happy?" Tanong ko. Sabay poker face sa kanya. Ngumiti naman sya.

"Inlove." Bulong nya.

Jade, sasakalin kita! Wag kang ngingiti. Wag! Sinabing wag!

"Sus, Kilig naman sya." Tukso nya sakin.

"Ekew nemen kese eh." Pabebe kong sabi sa kanya. Ano bang nangyayari sakin?

"Luh? Akala mo naman ikaw yun." Sabi nya.

"Kay Jessy kaya. Magka-skype kami kagabi." Pang-aasar nya.

"Luh? Akala mo naman sayo ako kinikilig..." Pang-bara ko sa kanya.

"Kay Philip kaya.....

Naisip ko kasi, ngayon na ulit kami magkikita...

Na-miss ko kaya sya. Hihi." Pang-aasar ko.

"Ikaw ah!" Siningkitan ni Clark yung mga mata nya.

"Ok lang yan, ka-skype mo naman si Jessy eh...

Kami mamaya ni Philip may Date." Pang-aasar ko.

Biglang na-focus yung tingin ko sa dalawang sumakay sa Jeep.

Isang lalaki at isang...

Oo, hindi sya lalaki.

Hindi naman sya cross dresser, pero sa kilos nya na sobrang hinhin alam ko na.

Magkahiwalay silang umupo, akala ko naman magkakilala sila.

"Baby ko?...

O.M.G! I'm Engaged? (BoyxBoy) ♥Completed♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon