*Jade's POV*
Nagising ako nang nakahinto ang bus sa isang bilihan ng mga pagkain at specially bukopie, pero wala si Ron sa tabi ko. Naka sandal na kasi ako sa bintana.
Agad akong nag-panic, ewan ko parang sa loob-loob ko hinahanap ko sya? Yung palad nya,na nasa palad ko. Yung amoy nya na ibang-iba sa amoy ni Mark. Yung ngiti nya pagkaharap ko.
Ewan ko, Bakit kailangan ko syang hanapin? Puro ako ewan ko! Basta I NEED HIM! Nasan ba si Ron? Agad-agad akong tumayo at naglakad palabas ng bus.
Para akong nakakita ng multo ng makita ko si Ron na paakyat ng bus, nilapitan ko sya at agad na niyakap. "Oh? Gising kana? Para saan yang yakap mo? May problema ba?" Nagaalala nyang tanong.
"Akala ko iniwan mo na ako! Akala ko sa kabilang bus kana sasakay, akala ko may kasama ka nang iba, aka-" pinutol nya ang sasabihin ko.
"Sshh! Andito ako oh? Bumili lang ako ng bukopie. Na-miss mo ako agad. Sorry kung hindi ako nagpaalam kasi tulog ka eh. Tara na kainin na natin to. Gutom kana ba?" Nagaalala nyang paliwanag.
Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig, sobra akong OA! Hahahaha! Natatawa ako sa sarili ko, tumingin ako sa mga kaklse ko at lahat sila may 'Question Mark Eyes'. "Grabe, Jade! Nakakahiya ka! Ano bang pumapasok sa malandi mong pagiisip?" Saad ko sa sarili ko. Hahaha.
Umupo na ako at sumunod naman sakin si Ron na merong nakalolokong ngiti. Pasalamat ako dahil hindi ako maputi para mamula kasi kung maputi ako baka kasing kulay ko na ang kamatis.
"Oh? Bakit ang saya mo?" Tanong ko kay Ron dahil nakangiti parin.
"Wala lang, ang cute mo kasing mag-alala eh. Natutuwa din ako dahil nag-aalala ka sakin." Natatawa nyang saad. Iniwas ko yung tingin sa kanya. Dahil sa sobrang hiya ko talaga.
Umandar na ang bus, hindi parin ako tumitingin sa kanya. Hiyang-hiya talaga ako! Ang OA kasi ng pag-iisip ko eh. Bumili lang, iniwan kana agad! Hayst! Nakakaloko tong isip ko.
Maya-maya, naramdaman ko ang ulo ni Ron sa balikat ko. "Pasandal ako ah? Medyo malayo pa daw eh." Saad nya.
Agad kong naramdaman ang kabog ng dibdib ko, paru-paro sa sikmura na nagsisi-liparan, parang huminto ang oras. Nararamdaman ko lang ang hininga ni Ron sa leeg ko, kaya nakikiliti ako. Hindi ko parin sya tinitignan at naramdan ko din ang pag-angat ng ulo nya at paglagay nya ng headset sa tenga ko at sa kanya. Tska sumadal ulit.
BINABASA MO ANG
O.M.G! I'm Engaged? (BoyxBoy) ♥Completed♥
Teen FictionSabi nila, Ang pag-ibig pag dumating "Grab it & Hold it" dahil sa dami ng tao na pwedeng makatanggap, Ikaw pa ang nabigyan. Kaya naman, Simula nang makaramdam ako nito pakiramdam ko, Ako na ang pinaka-Maswerteng tao sa mundo. Ngunit, Hindi ko napans...