Chapter 61 - My Baby

8.6K 290 31
                                    

*Jade's POV*

"Psssst.! Jade! Ok ka lang?" Tanong sakin ni Pau.

"Uuummm,. Oo. Oo. Ok lang ako!" Sagot ko.

"Bakit parang natataranta ka?" Tanong nya sakin.

"Ha? Ha? Hi-hindi ah! Wa-wag mo a-akong pansinin." Sabi ko sa kanya. Nag-kibit balikat nalang sya.

Bumalik ako sa pagkakatulala ko, nakita ko kasi si DAVE. Nung isang araw. Nanakbo nga ako nun matapos ko syang makita.

Naambunan tuloy ako, pakiramdam ko may sakit ako ngayon. Medyo masakit kasi lalamunan ko tapos konting galaw ko lang masakit ang katawan ko.

Bumalik sakin lahat ng nangyari nung 3rd year ako, nung muntikan na akong mababoy.

Naramdaman kong may humawak sa noo ko,
"Mainit ka, Babes!" Si Philip pala.

"May sakit ka. Nanakbo ka kasi kahapon eh. Sino ba kasi hinabol mo? O may iniiwasan ka?" Tanong nya. Agad akong umiling sa kanya.

"Wa-wala! Oo, i-iinom ko nalang to ng gamot mamaya. Mag-uuwian na din naman eh." Sabi ko.

"Oh, dapat di kana pumasok ngayon. Baka lumala pa yang sakit mo." Pag-aalala nya.

"Wala naman pasok bukas kaya Ok lang." Sabi ko sa kanya. Tuwing Wednesday wala kaming pasok. Ayon sa schedule namin, blockmates kasi kami.

"Alam na ba yan ng.....

ni...

Clark?" Tanong nya.

"Hindi eh" sabi ko, napasimangot naman sya.

"Naku talaga! Sa susunod aagawin na ........." Sabi nya pero mahina lang kaya hindi ko na narinig yung iba.

"Huh? Anu yun?" Sabi ko. Ngumiti lang sya.

"Ihahatid kita sainyo mamaya." Sabi nya. Ha? Alam ba nya kung saan kami ni Clark? Hindi naman nya alam na magkasama kami sa iisang condo.

"Hindi, Ok lang! Kaya ko na!" Sabi ko naman.

"Alam ko kung saan yung condo nyo." Sabi nya. Haaa? Oo magpinsan sila pero alam nya din yun?

"Pano?" Tanong ko naman.

"Basta, ihahatid kita ah. Kakamustahin ko din si Insan." Sabi naman nya. Wala na akong nagawa.

O.M.G! I'm Engaged? (BoyxBoy) ♥Completed♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon