Chapter 33 - Happy Days

6.3K 222 8
                                    

*Mark's POV*

Ilang linggo na ang nakalipas mula nung nag-away kami ni Ron.

Mukhang maayos naman na sila ni Little boy ko. Buti nalang at Ok na din kami ni Jade.

Ilang buwan ko din syang sinuyo para makausap. Salamat at nagkabati na kami, hindi ko kasi alam ang gagawin ko pag tuluyan na syang lumayo sakin.

Aaminin ko, Kung ang puso ko ay merong 100%. 30% dun ay kay Jade na. 50% dun ay si Lovely at 20% syempre ang pamilya ko.

Pakiramdam ko nga yung 30% na yun, permanent na yun. Hindi na magbabago pa. Kapatid ko na talaga sya.

Ewan ko, parang may nararamdaman ako kay Ron na hindi maganda. Subukan lang nya saktan si Jade baka hindi ako makapagpigil sa kanya.

Ayoko ng masaktan pa si Jade, sobra na ang nagawa ko sa kanya. He deserves to be happy. Kaya pagnasaktan sya, andito ako dadamayan ko sya at tutulungan bumangon.

Ang gulo ko, kahit nakikita kong masaya si Jade kay Ron hindi parin ako naniniwala kay Ron. Sana mali lang ang kutob ko. Kasi alam kong masasaktan lang si Jade.

Alam kong hindi pa sila Officially On. Pero mukha na silang ganun eh. Ang sweet kasi ni Jade. Ang swerte talaga ni Ron sa Little boy ko no! Sweet, Maalaga, Ma-alalahanin, at syempre SOBRANG Loyal yun! Kahit hindi naging kami, naramdaman ko yun at pinaramdam nya sakin yun.

"Ok ka lang, Honey?" Tanong ni Lovely. Hahah. Nasa Canteen pala kami ngayon.

"Hehe, Ok lang. Tapos kana kumain?" Tanong ko.

"Yes, Kakatapos lang. Parang ang lalim ng iniisip mo ah?" Tanong nya.

"Hindi naman. Iniisip ko kasi na malapit na yung Graduation nila Ron tapos panu na si Jade?" Seryoso kong tanong sa kanya.

Tumahimik muna sya at sumagot, "Ewan, baka gagawa parin sila ng paraan." Out of the blue nyang saad.

Nakita ko kasi sila Ron na nakaupo sa pwesto nila lagi. Nagtatawanan sila. Actually, pagkasama mo si Jade lagi kang masaya. Positive kasi Aura nyan eh.

*Jade's POV*

Bukas ay Valentine's Day na, May date na ako. Hahaha. 1st time kong magcelebrate ng may date ako. Hihi! Hindi pa man ako niyayaya ni Ron pero ramdam kona. Haha. Assuming ko ba? Sarreh!

-♪E.T - Katy Perry♪-
"♪Kiss me, Ki-ki-kiss me, Infect me with your love and-♪" tunog ng Phone ko na agad ko ng sinagot.

-Call-
Me: Hello?
Ron: Hi? Haha.
Me: Loko! Oh? Bat napatawag, Macho-pie?
Ron: Wala lang namiss lang kita, Cutypie.
Me: Lande?
Ron: Sayo lang.
Me: ha?
Ron: Sayo lang ako lalande.
Me: Hahaha. Siguraduhin mo. Kundi an-
Ron: Kundi ano? Hahah. Kikiss mo ako?
Me: Pervert! Bakit ka nga napatawag?
Ron: Gala sana tayo bukas, Please? Sabado naman bukas eh.
Me: You mean a Date? Sarreh, Busy ako.
Ron: Hindi Date. Samahan mo lang ako bumili ng regalo para sa nililigawan ko yung classmate ko.
Me: Sige, lumandi ka! Lalandi din ako sa iba.
Ron: Eto nam-
Me: Sige, tawagan ko na yung date ko bukas. Bye.
Ron: Oy wai-
-End of Call-

O.M.G! I'm Engaged? (BoyxBoy) ♥Completed♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon