Chapter 8 - I Love Him

8.9K 277 14
                                        

*Jade's POV*

"Wait, may nakalimutan ako." Sabay takbo sakanya at Hahalikan ko sya sa pisngi, pero humarap sya at naglapat ang aming mga labi. Nagulat ako hindi ko inaasahan na mangyayari ang 1st kiss ko at kay Mark pa.

Naglapat ang aming mga labi, pero walang gustong humiwalay, nagkakahiyaan ata kami. Ramdam ko ang malambot nyang labi na matagal ko nang inaasam. Tanging si Mark lang ang nakikita ko at nararamdaman ko lang ang tibok ng puso ko na parang kabayong nakikipagkarerahan. Mga paru-paro sa aking sikmura na nagliliparan. Eto na ba ang tinatawag nilang "PAG-IBIG"? Siguro lumagpas na bilang "crush" at naging pag-ibig. Isa lang ang sagot ko, Oo. Mahal ko na sya, walang biro.

Dahil ako ang nagsimula dapat ako ang tumapos, nakakahiya na talaga. Sana kainin nalang ako ng lupa.

"Ah, he. So-so-sorry. Ka-kasi da-dapat sa-sa p-pisngi la-lang eh." Bakit hindi ako makapagsalita ng maayos? Nahihiya ako. Napayuko na lang ako.

"Hehe, Ok lang. Ang lambot ng Labi mo. Ang Sarap nun ah? Reward ko ba yun?" Nakangiti nyang saad.

"Ebakitkakasihumarapdapatsapisngimolangyuneh." Ngayon naman ang bilis ng bunganga ko.

"Huh? Anu yun? Gusto mo pa? Di kita tatanggihan." Pang-aasar nya.

"Waaah! Umuwi kana! Sorry ulet! Bye. GoodNight!" Sabay talikod. Sobrang hiya talaga ako.

"Haha sige! Bye." Tumalikod na sya at humarap na ako para isarado ang Gate. Umalis na sya. At ako tumakbo na ako sa kwarto ko.

"Anak, hindi ka ba kakain?" Tawag sakin ni Papa. "Hindi na po. Busog po ako." Sabi ko nalang para hindi na magalala. Dali-dali akong umakyat sa kwarto at niyakap ang unan na binigay sakin ni Mark.

"Iiiiiiiiiiiiiiiiiihhhhhhhhhhh" Tili ko na pasigaw. Grabe ngayon lang sumabog ang kilig sakin. Ngayon ko lang naramdaman to. Ang tinatawag na pag-ibig, ang matagal ko ng hinahanap. Wala na akong ibang nararamdaman kundi ang Kilig. Tibok ng puso ko paginiisip ko si Mark. At dahil sa Pag-ibig na yan, hindi ako makatulog. Parang lahat ng iniisip ko puro si Mark lang.

Kinabukasan, Wala akong tulog ng maayos. Hindi ko alam kung anung oras ako nakatulog. Tapos kakapikit ko palang tumunog na alarm ko. Waaaaahh. Ang kapal ng eyebags ko nito.

"Oy, Jade. Anyare? Anyare sayo? Nag-aadik kana ah? Anu ginagamit mo? High na high ka ha?" Pang-aasar sakin ni Kim, nasa canteen na pala kami. Lutang ang isip ko sa nangyaring election for our class kanina. Naalala ko nga pala yung nangyari sa election kanina.

-FlashBack-
"Ok class, Our nomination for The chairman of Discipline committee is now open." Sabi ng Advicer namin.

O.M.G! I'm Engaged? (BoyxBoy) ♥Completed♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon