Chapter 7 - My Husband

10K 325 13
                                    

*Jade's POV*

"Yes or No?" Tanong nya.

Hindi ako nakapaniwala sa tanong nya. Proposal na ba ito? Waaaah! Natataranta ako sa isasagot ko, kaya hindi ko mabuka ang bibig ko.

"Talaga? Hhhmmm. P-pwede naman. Oo, Sige. Ikaw na muna ang magiging ASAWA ko." Nahihiya kong sagot. Kinurot nya pisngi ko.

"Haha, Sabi mo yan ha? Pinky Promise?" At nag pinky promise nga kami. Pero nagulat ako sa tanong nya.

"Kung asawa na kita, pede ba nating gawin ang ginagawa ng mag-asawa pag bagong kasal?" Medyo natatawa nyang saad. Waaaah! Gusto nya ng ano. Nang Ano. Basta ano yun.

"Ano yun?" Kunyari hindi ko na gets. Para ulitin nya. Pero sa totoo lang hindi pa ako ready, sabi daw nila masakit yun.

"Yung alam mo na, Yung honeymoon? Hahhahaha!" Waaaaah. Grabe sinabi pa talaga nya. Kinurot ko tagiliran nya. Hindi pa ako ready, Kailangan manood ako ng palabas like that para alam ko gagawin ko. Waaaah. Anu tong iniisip ko?

"Pervert Husband!" Sabay taas ng kilay sa kanya. Tawa naman siya ng tawa.

"Tulog na nga tayo Little boy. GoodNight!" Sabay halik sa noo ko. Totoo ba to? Hinalikan nya ako?

"GoodNight din Big boy!" Niyakap ko na sya ng mahigpit. Ambilis ko nakatulog kasi andaming luha ang pinalabas ko kanina.

Mabilis na lumipas ang araw at bukas pasukan nanaman. Kaya Nagsimba muna kami ni Mark bago bumili ng gamit, asawa na talaga ang turing ko sa kanya. Habang bumibili kami sya ang may hawak ng basket at ako ang taga lagay. Parehas kami ng mga notebooks at mga gamit. Ewan ko nga sakanya ano trip nya. Pero kinikilig ako kahit simple lang ang lakas ng dating sakin. Bukas pasukan na kaya maaga akong natulog.

Pasukan na, Hindi ako sinusundo ni Mark papasok sa school kasi medyo malayo layo yung bahay nila sa bahay namin. Ang Boring ng 1st day puro Pakilala lang. Sabay kami nila Mark at Kim mag Breaktime. Alam na ni Kim ang tungkol sa promise ni Mark grabe kilig na kilig ang hayup.

Uwian na As usual, ihahatid nanaman ako ni Mark samin. Grabe mas naging mas Sweet sya sakin now a days. Bukas pilian na kung ano anong club ang sasalihan. Naisip naming tatlo na Science club ang sasalihan namin, feel ko kasi mag Experiment eh. Pero may sasalihan din si Mark na hindi ko sasalihan ang "Basketball club" gusto kasi nya maging varsity dun. Si Kim naman sasali sya sa Drama club. Gusto ata maging si sisa. Ako sasali ako sa Music Club. Marunong kasi ako mag piano, at hindi alam nila Mark yun. Ang gusto ko Surprise para matuwa ang asawa ko.

Eto na ang araw para sa pilian ng club, wala kami masyadong gagawin. Kaya sabay sabay kaming pumunta sa Science club, Pagpasok sa Lab grabe ang sarap sa mata andaming Experiments siguro para maka-attract ng madaming sasali. Pagtapos ng Registration sa Science Club, pupunta na kami sa kanya kanya naming club na sasalihan.

"Little boy ko, Hanggang anung oras ba yang Music club na sasalihan mo? Kasi susunduin kita eh. Bakit kaba pati sumali dyan? Marunong kaba kumanta? Sample naman." Pang aasar nya. May ko na talaga ang tawag nya sakin kasi tutal mag asawa naman kami. Pag may nagtatanong samin kung anu ba kami, ngumingiti lang si Mark.

O.M.G! I'm Engaged? (BoyxBoy) ♥Completed♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon