Chapter 30 - Mutual Understanding

6.8K 220 14
                                    

*Jade's POV*

"Wag mong pigilan!" Sabi sakin ni Ron na parang paluha na.

Hindi ako nakapagsalita, inaantay ko kung ano ang dahilan kung bakit. Tumahimik ang paligid, walang gusto magsalita.

"Wag mong pigilan, dahil minamahal na din kita!" Saad ni Ron ng nakayuko.

Parang napantig ang tenga ko. Nagliparan nanaman ang mga paru-paro sa sikmura ko, at ang tanging naririnig ko lang ay si Ron kasabay ng tibok ng puso ko. Tinignan ko si Ron, yung tingin na nagtatanong. Tumingin din sakin si Ron.

"Oo, Totoo ang narinig mo. Mahal na yata kita Jade Fernandez! Sinubukan kong iwasan pero mas lalo lang ako nahihirapan. Kaya sana, wag kang lumayo sakin. Hayaan mo ang puso mo na magmahal ulit." Tagos sa puso nyang sabi sakin. Natameme lang ako sa aking narinig mula sa bibig nya. Tumutulo nanaman ang luha ko. Lagi nalang akong ganito.

"Hindi muna kita liligawan, dahil para malaman natin kung gaano ba kahalaga satin ang isa't isa. Pero wag mo akong lalayuan. Hayaan mo lang ako gawin ang mga bagay na gusto kong gawin sayo. Kaya sana wag ka ng umiyak" sabay hawak ni Ron sa pisngi ko, at pinupunasan ang mga luha ko.

"Jade! Hindi pa ako sigurado kung mahal talaga kita, pero alam ko na mahal na kita!" Sabay lapit nya ng mukha nya sa mukha ko.

"Ron, alam ko na straight guy ka. Ayaw pa ng mga magulang mo sakin. Panu kung-" saad ko pero pinutol nya.

Nagdikit ang mga labi namin, pintig lang ng puso ko ang naririnig ko. Hindi ko ma-explain ang nararamdam ko. Ramdam ko ang halik nya, halik ng isang nagmamahal din pabalik. Nakakaramdam ako ng saya dahil Finally, ariel happen to me. Chos! Cause, Finally May minahal din ako na minamahal din ako pabalik.

Kapwa kami bumitaw sa halik namin, kapwa kami habol sa paghinga.

"Wag ka na muna magisip ng mga ganyan.! Wala munang Pano-pano. Hindi naman ibigsabihin na hindi pa tayo, wala tayong relasyon. May tamang panahon para dyan, I Love You!" Nakangiting saad ni Ron.

O.M.G! I'm Engaged? (BoyxBoy) ♥Completed♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon