Chapter 38 - The Liars

6K 231 15
                                    

*Jade's POV*

Natatanaw ko si Ron kasama si Lovely, kumakain sila. Pinupunasan pa ni Ron ang bibig ni Lovely.

Bakit ganun? Lahat nalang ng taong minamahal ko kinukuha ni Lovely? Teka? Panu si Mark? Mamaya ko na nga isipin yun. Bakit si Lovely pa? Ang PokPokin naman nang Lovely na yan.

Dumadaloy na ang luha ko, hindi ako makapaniwala na niloloko na pala ako ni Ron. Ang sakit-sakit! Halos hindi na ako makahinga dahil sa nakikita ko. Parang dinudurog ang puso ko. Mas masakit pa ito kesa nung kay Mark.

Bakit ako kailangan lokohin ni Ron? Bakit nya ako pinapaasa? Sabi nya sakin, Walang bibitaw? Hindi nya ako bibitawan? Sabi nya sakin, Intindihin ko sya? Sabi nya sakin, MAHAL NYA AKO?

Hindi ako makaramdam ng pagod mula nung nanakbo ako papunta dito. Sakit lang ang nararamdaman ko. Ang sakit SOBRA! Totooba itong nakikita ko? Wala na ba talaga akong pag-asa na mamahalin din ako pabalik? Nagpaka-martyr ako para kay Ron dahil sa mga sinabi nya. Pero iniwan nya akong mag-isa.

Parang nag-flashback sakin lahat ng masasayang naganap samin ni Ron. Tapos lahat yun nawala dahil niloloko lang pala nya ako. Ganito ba dapat ako? Nilokoko? Dahil ba Gay ako kaya dapat niloloko ako? Nagmamahal lang naman ako ah? Ginagawa ko ang lahat para kay Ron.

Tumayo na sila, napansin ko na mag-gagabi na pala siguro uuwi na sila. Sinusundan ko lang sila. Para akong tanga dito sa ginagawa ko. Naglalakad ako habang tumutulo ang luha ko.

Nagulat pa ako nung nakawan ng halik ni Ron sa labi si Lovely. Ngumiti naman ang Gaga!

Hanggang sa makalabas na sila ng SM, nakasunod parin ako. Hanggang sa hindi ko na kaya ang galit ko agad kong nilapitan si Ron.

Sinampal ko ito gamit ang kanan kong kamay, buti wala masyadong tao dito dahil ang dumadaan lang karaniwan dito yung may mga kotse at medyo madilim na din.

"Ahhh! Sino ka b-" naputol yung sasabihin nya nung makita nya ang mukha ko.

"Ja-ja-jade?" Utal-utal nyang tanong.

Sinampal ko ulit sya gamit ang kanan ko ulit. Gulat na gulat ang reakyson nya.

"Cutypie!" Sabi nya na natatakot.

"Hindi ako yun! Tawag mo yun sa taong niloko mo! Hayop ka!" Sabi ko sabay suntok naman sa kanya.

"Jade, Let me explain!" Sabi nya na pinapakalma ako. Sa lahat ng ugali ko ito ang pinaka ayokong ipakita dahil sobra ako kung magalit.

"Explain what? Itong kalandian mo?" Sabi ko sabay turo kay Lovely na parang paiyak na, natameme sakin at gulat na gulat.

"Jade, Minahal kita!" Sabi ni Ron.

"Tapos na yun Ron! Nagpakatanga ako sayo! Ako na ang gumagawa ng efforts para sayo. Halos hindi na ako makapagfocus sa pag-aaral dahil sa kakaintindi sa punyetang dahilan mo na pagod ka! Ron, ano ba ang ginawa ko sayo? Lahat ginagawa ko, INIINTINDI KITA KAHIT ANG SAKIT SAKIT NA! Sinasabihan na akong tanga dahil minamahal kita, pero hindi ko pinapansin dahil NANINIWALA AKO SA MGA SINASABI MO!" sabi ko habang umiiyak. Natulala lang sakin si Ron.

O.M.G! I'm Engaged? (BoyxBoy) ♥Completed♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon