*Jade's POV*
Bukas ay lunes na, Papasok na ako dahil ayaw ko na malate sa class at gusto ko parin maging Top 1. Gusto kong i-pamukha kay Mark na kahit pinaglaruan nya ako, Hindi ako papatalo.
Sinabi ni Mama na si Kuya Art ang maghahatid sakin papunta, kinausap naman nila si Ron na sya ang maghahatid sakin pauwi. Haay, ewan ko dyan kila Mama. Nagtiwala agad kay Ron. Pero kahit naman ako ay bumibilib sa kanya eh.
I-ika-ika parin ako maglakad dahil bawal daw ma-pwersa. Inihatid ako ni Kuya Art sa school. Dumiretso kami sa Guidance at Clinic para sa kung ano-ano. Pagtapos nun iniwan na nya ako, hindi manlang ako inasikaso. Haay, kuya ko talaga!
Nakita ako ni Ron sa labas ng Clinic at dahil dun dali dali syang lumapit sakin. "Hey, Cutypie? Miss me?" Natatawa nyang saad.
"Luh? Anyare? Ano pinagsasabi mo? GoodMorning po!" Pangaasar ko sa kanya. Tumawa lang sya. Naisip ko kasi na kay Ron ko lang hindi babaguhin ang ugali ko. Dahil andyan sya kahit ano ang nangyari sakin.
Naglakad na kami papunta sa Room, Nasa Pinto na kami ni Ron. Nakaakbay ako sa kanya dahil hirap maglakad. Hawak naman nya ang bewang ko, aaminin ko hindi ako mapalagay nakikiliti ako eh. Sya din ang may dala sa bag ko.
Pumasok na kami ng room, at syempre Late ako dahil sa andaming inasikaso. Hindi na ako nagulat sa mga reaction nila dahil alam ko na magugulat sila.
"GoodMorning Mam! GoodMorning Classmate!" Bungad ko pero seryoso ang mukha ko at boses ko. Inalalayan ako ni Ron papunta sa upuan ko. Nakatingin lang sakin ang mga classmate ko pero wala akong paki, hindi ko hinanap si Mark. Alam kong nakatingin din ito sakin pero pakiramdam ko tumawatawa lang dahil sa pagiging Tanga ko.
"Sige, Cutypie. Alis na ako. Kaya mo yan! Basta susunduin nalang kita mamaya." Masigla nyang saad. Tumango lang ako at ngumiti sa kanya.
Aba! Nawiwili na sya sa kakatawag sakin ng Cutypie ah? Makaganti nga mamaya. Hahaha! Pero inalis ko ang mga ngiti ko nung tumalikod at umalis na sya. Uumpisahan ko na ang PAGBABAGO!
"Oi Jade! Ok ka lang. Anu ba nangyari sayo? Kwento ka naman. Na-miss kita!" Bungad ni Erica, katabi ko. Kaibigan ko din sya kaso hindi ko dapat ipakita ang pagiging Good ko. Pagbabago nga eh. Hindi ko sya pinansin bagkus ay nagfocus lang ako sa pagsusulat sa sinusulat ni Mam. Oo, magaling na ang mga kamay ko, hita nalang ang hindi. May benda pa nga eh.
"Ay, Snobber na? Ngiti naman dyan!" Pangtutukso nya. Tinignan ko sya ng blanko sa Mata. At muling itinuon sa pagsusulat ni Mam.
Aaminin ko medyo naguguilty ako dahil sa ginawa ko. Pero kailangan ko to. Sabihin mang baliw ako. Ganun siguro talaga pag sobrang nasaktan.
Breaktime na, Wala parin akong kinakausap at nginingitian. Nakakapanibago na talaga! Si Kim lumapit sakin at tinulungan ako sa paglalakad. Nagpahuli kami sa paglalakad at nung nakarating kami sa canteen sya ang bumili ng Order ko, si Ron kasi hindi pa breaktime kaya hindi ko sya kasabay.
Nung nakaupo na ako, umalis na si Kim para bumili. Bilang lumapit ang taong naging dahilan para magbago ako. Si Mark. Tumabi sya sa upuan ko. Hindi ko sya tinitignan at pinapansin alam kong nakatingin lang sya sakin.
BINABASA MO ANG
O.M.G! I'm Engaged? (BoyxBoy) ♥Completed♥
Teen FictionSabi nila, Ang pag-ibig pag dumating "Grab it & Hold it" dahil sa dami ng tao na pwedeng makatanggap, Ikaw pa ang nabigyan. Kaya naman, Simula nang makaramdam ako nito pakiramdam ko, Ako na ang pinaka-Maswerteng tao sa mundo. Ngunit, Hindi ko napans...