*Jade's POV*
"Can you be my Last Dance?"
Halos hindi ako maka-hinga sa nakikita ko, Pwede ba yun? Lalaki mag-sasayaw ng lalaki? Well, Lemme try. Hihi.
Naka-smirk sya sakin, na akala mo ay nang-iinis. Isa din to sa gusto kong mangyari ngayon, ang mai-sayaw nya.
Kung maputi lang ako, namumula na ako. Pero hindi eh, Sunog ako. Hahaha.
"Hey, Can you be my Last Dance?" Pag-uulit nya. Ang gwapo nya. Hindi ako makasagot. Kinikilig ako.
"Uumm, Su-sure... Why no-ooot?" Sagot ko. Agad naman nya akong hinila papunta sa sayawan. Nakaka-hiya naman ito. Halos lahat kasi ng sumasayaw ay magkarelasyon.
Love song ang tugtog, kaya medyo awkward. Bigla pang pinatugtog ang kinanta ko kay Mark dati, ang "Can't help myself by Toni Gonzaga". Ramdam kong umiinit ang mukha ko, namumula siguro ako. Napangiti naman sakin si Mark.
Grabe, ako ang nakahawak sa balikat nya. Sya naman sa bewang ko. Nakakahiya talaga. Pinag-titignan kami ng mga tao.
"Umm, Bakit ba kasi sinayaw mo ako? Hindi ka ba nahihiya?" Pag-uumpisa ko sa topic.
Ngumit sya sakin, "Naku, Little boy Kahit kelan hindi ako mahihiya na kasama ka." Sabi ni Mark. Tinapik ko ang balikat nya.
"Bolero! Haha!" Pang-aasar ko.
"Pero gwapo!" Sagot nya.
"Pero seryoso, Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka." Umpisa nya. Natatameme ako sa sinabi nya.
"Little boy, Alam mo bang inantay ko talaga ang last dance? Para isayaw ang taong parte ng puso ko? Kaya nga nung sinabing last dance na, kinabahan ako kaya ayun medyo late. Hehe." Kwento nya. Na-touch naman ako sa sinabi nya. Parte daw ako ng puso nya. Ganun din naman sya sakin eh. Nagsasayaw kami na parang kami lang ang tao.
"Little- ay Dapat pala pormal, hehe....
Jade, Gusto ko lang naman sabihin sayo ay 'Thank you'....Thank you kasi Lagi kang nandyan para suportahan ako....
Thank you kasi hindi mo ako iniiwan kahit nasaktan kita noon....
Thank you kasi ramdam kong mahal mo ako....
Thank you kasi hindi mo ako pinapabayaan....
BINABASA MO ANG
O.M.G! I'm Engaged? (BoyxBoy) ♥Completed♥
Teen FictionSabi nila, Ang pag-ibig pag dumating "Grab it & Hold it" dahil sa dami ng tao na pwedeng makatanggap, Ikaw pa ang nabigyan. Kaya naman, Simula nang makaramdam ako nito pakiramdam ko, Ako na ang pinaka-Maswerteng tao sa mundo. Ngunit, Hindi ko napans...