*Jade's POV*
"Jade, Ano nangyari sayo? Bakit ka absent?" Tanong sakin ni Drey.
"Ah, Eh. Um.. Nagkasakit kasi ako eh." Palusot ko.
Dalawang araw kasi akong hindi pinapasok ni Clark, magagalit daw sya pagpumasok ako. Sya nga gusto akong samahan sa condo para magpagaling kaso ang sabi ko magagalit ako sa kanya pagumabsent sya.
"Talaga? Ok ka na ba? Tska bakit parang namumula yang labi mo?" Sita nya sa labi ko, namumula kasi sinapak yan ni Dave. Ang usosero naman ni Drey.
"Hahahahaha, Kissable lips kasi eh." Saad ko. Tumawa nalang sya.
Kahit papano, magaling na ako. Hindi na din masakit katawan ko. Tsaka, trauma? Hindi sakin nangyayari yun. Ewan ko, siguro dahil nagawa na sakin ni Dave yun dati.
"Baaaabes? Ok ka lang ba?" Sigaw ni Philip sakin, nanakbo sya sakin palapit. Maaga kasi akong pumasok. Kadarating lang ni Philip.
"O-ok lang ako....
Ikaw ok ka lang ba?" Tanong ko pabalik, pabulong na din ang ginawa ko kasi para hindi nila ako marinig. Ok naman daw sya, yun ang alam ko.
"Hindi!..
Masakit to oh,...
Tapos ito...
Eto pa..." Alam kong drama lang nya yun, kasi sabi ni Clark ok lang sya. Pinagtuturo nya yung pisngi nya, dibdib nya at nguso nya.
"...kiss mo nga para Ok na!" Ha? Baliw ba sya? Loko to ah? Seryoso sya?
"Naku! Tigiltigilan mo ako ah!" Sabi ko, naglakad na ako papuntang room. Baliw kasi eh.
Ok naman ang class, pinagtatanong lang ako kung Ok lang ba ako. Unti lang naman daw ang na-missed ko na lessons.
Sabi naman ni Tine sya magpapahiram sakin ng notes. Ewan ko dun, alalang-alala sakin.Dahil magsesembreak na, puro nalang kami exam at mga requirements na ipapasa. Naku, kailangan kong magreview.
Naglalakad na kami palabas ng Gate, medyo kinakabahan ako. Naalala ko kasi yung pagakbay sakin si Dave.
Paglabas ng exit, may nag-abot sakin ng white rose....
"Baby?" Tanong ko kay Clark, bakit sya nandito? Sa labas ng school? Tsaka naka-uniform pa sya ah? Nakatingin naman ang mga kasama ko sakin at kay Clark.
"Uumm, Jade! Hindi mo manlang sinasabi na may magsusundo sayong...
Anghel." Sabi ni Pau. Nakatulala lang sila kay Clark. Tapos yung iba, naguguluhan.
"Uum, Jade?..
Uum, Kuya mo?" Sabi ni Leah. Naku, parang malande ang boses nya ah?
"Nope, I'm Nathaniel..
BINABASA MO ANG
O.M.G! I'm Engaged? (BoyxBoy) ♥Completed♥
Teen FictionSabi nila, Ang pag-ibig pag dumating "Grab it & Hold it" dahil sa dami ng tao na pwedeng makatanggap, Ikaw pa ang nabigyan. Kaya naman, Simula nang makaramdam ako nito pakiramdam ko, Ako na ang pinaka-Maswerteng tao sa mundo. Ngunit, Hindi ko napans...