*Clark Nathaniel's POV*
Haaaay! Walang katapusan tong pabalik-balik namin sa computer shop para sa mga paper works na ipapasa.
Gustong-gusto ko ng makita si Jade. Kaso hanggang kelan pa ba kami matatapos?
Hanggang sa naramdaman kong may tumatawag...
Me: Oh?
Jessy: Clark, totoo ang sinasabi ko sayo.
Me: Ayan nanaman tayo....Pwede bang tigilan mo na si Jade? Magtitiwala ako sa-.
Jessy: E ano yung sabi ng asset ko na kasama nila ngayon?
Me: Wala akong pakialam!Agad kong binaba ang tawag.
Kahit kaibigan ko sya at pinagkakatiwalaan ko sya, hindi ko parin maiwasang magalit sa kanya.
Lagi nyang sinasabi na nagtataksil daw sakin si Jade. Pero minsan naiisip ko kung pwede ko din munang paniwalaan sya.
Kaso mas lamang ang pagmamahal ko kay Jade. Hiling ko lang sana na wag nyang sayangin ang pagtitiwalang binibigay ko sa kanya.
Hanggang ngayon pinagsisisihan ko parin ang hindi ko pagtitiwala kay Jade, pero sabi naman nya wala na yun sa kanya.
Nagtataka lang ako sa kanya dahil ang sabi nya sakin nung isang linggo may practice sila pero tumawag ako kay Pau na kaklase nya ang sabi wala naman daw silang practice.
Pero hinayaan ko nalang. Kahit hindi nya sinabi sakin kung saan sya pumunta nung araw na yun. Tapos umiiyak pa sya nung dumating sya.
Dumagdag pa pala sa isip ko yung sinasabi sakin ni Jessy dahil nung araw daw na yun ay nakita nya si Jade at Philip na magkasama sa mall. Haaay, ang gulo na talaga ng utak ko.
Naguguluhan lang naman ako dahil mahal ko talaga si Jade. Ewan ko pero parang araw-araw natatakot ako na baka isang araw magising ako na hindi nya na ako mahal.
Minsan nga natutulala nalang ako dahil sa sobrang gulo ng utak ko.
Marami din kasing picture ang sini-send sakin ni Jessy patungkol kay Jade at kay PHILIP.
Halos hatakin ko na ang oras para matapos kami sa mga gagawin ngayon.
Mas lalo lang ako kinakabahan dahil magkasama si Jade at Philip ngayon.
May mga picture na magkahawak ng kamay si Jade at Philip. Minsan may picture na ang sweet nila.
Hindi ko nalang tinatanong si Jade dahil baka magkaroon nanaman kami ng hindi pagkakaunawaan.
Minsan pagnakikita ako ni Jade na natutulala at tinatanong nya ako kung bakit, ang sagot ko lang sa kanya ay minsan stress lang ako o minsan wala lang.
Hanggang sa naramdaman kong may magtext sakin.
From: BestFriend Jessy:
Clark, I can't believe na binaba mo ang tawag ko..
I just want to say na..
Magkasama si Jade at Philip sa loob ng Cr ngayon..
Maniwala ka man o hindi sinabi ko lang ang nalalaman ko.
Halos manghina ako sa nabasa ko. Kahit pilit kong iniisip na hindi totoo ang sinasabi ni Jessy may kung ano sa loob ko na nakakaramdam ng galit.
Alam kong may paliwanag lang sakin si Jade tungkol dito pero talo parin ako ng selos ko.
BINABASA MO ANG
O.M.G! I'm Engaged? (BoyxBoy) ♥Completed♥
Teen FictionSabi nila, Ang pag-ibig pag dumating "Grab it & Hold it" dahil sa dami ng tao na pwedeng makatanggap, Ikaw pa ang nabigyan. Kaya naman, Simula nang makaramdam ako nito pakiramdam ko, Ako na ang pinaka-Maswerteng tao sa mundo. Ngunit, Hindi ko napans...