*Jade's POV*
Nagkukwentuhan lang kami ni Kuya Art. Oo, dito ako umuwi samin. Nagtatampo talaga ako kay Clark.
Masakit kasi isipin na mas pinapahalagahan nya ang BestFriend nya kesa sa Boyfriend nya.
"Bunsoy....
Alam kong may problema ka....
Kita ko sa mga mata mo." Biglang sabi sakin ni Kuya.
Hindi ko kasi sinabi sa kanya ang totoo dahil alam kong mag-aalala lang sya sakin. Sinabi ko lang sa kanya na dumalaw ako.
Pero ang balak ko lang talaga ay dito muna ako hanggang sa...
Hindi ko alam.
Nagagalit talaga ako kay Clark, dinurog nya ang puso ko. Parang hindi nya ako mahal. Parang ginamit lang nya ako dahil nangungulila sya sa BESTFRIEND nya. Oo, yun ang nararamdaman ko. Naisip ko kasi na siguro dahil wala ang bestfriend nya wala syang kasama kaya ako ang nilapitan nya.....
Nakakatampo lang talaga.
Mas dumagdag pa ang galit ko dahil hindi manlang nya ako hinabol. Parang nag-eenjoy pa sila dun.
"Tuya kase.....
Parang...
Parang balewala lang ako kay Clark." Sabi ko sa kanya. Pinipigilan ko ang mga luha ko.
Ganito talaga ako pagnagsusumbong, naiiyak.
"Bakit naman?" Tanong nya. Si Kuya naman eh parang gusto akong paiyakin.
"Ummm..
Kasi...
Kasi...
Dumating yung...
Bestfriend nya...
Tapos...-" naputol yung sasabihin ko nung tumulo na ang luha ko.
Nagulat pa ako dahil bigla nalang akong niyakap ni Kuya.
"Ssssshhhh...
Alam ko na...
Hayaan mo na" pagpapatahan nya sakin.
"Baka naman may dahilan lang ang Boyfriend mo." Sabi pa nya.
Iyak lang ang sagot ko sa kanya.
Hanggang sa nag-ring ang phone ko.
Tinignan ko ito,
Clark (Baby ko♥) calling....
Hindi ko ito sinagot. Hinayaan nya akong makapunta dito bago sya tumawag.
Mga ilang tawag din ang ginawa nya pero hindi ko ito pinapansin.
Hanggang sa mag text sya sakin. Hindi ko parin ito binasa.
Hanggang sa may mag-ring ulit, pero kay kuya Art na.
"Si Clark tong tumatawag." Sabi sakin ni Kuya.
BINABASA MO ANG
O.M.G! I'm Engaged? (BoyxBoy) ♥Completed♥
Teen FictionSabi nila, Ang pag-ibig pag dumating "Grab it & Hold it" dahil sa dami ng tao na pwedeng makatanggap, Ikaw pa ang nabigyan. Kaya naman, Simula nang makaramdam ako nito pakiramdam ko, Ako na ang pinaka-Maswerteng tao sa mundo. Ngunit, Hindi ko napans...