*Jade's POV*
Naramdaman kong may yumakap sakin....
"Sssshhhh....
I'm Sorry." Saad nya.
Init palang ng katawan nya, kilala ko na sya...
Idagdag mo pa ang boses nya na dumudurog at bumubuo sa puso ko.
Naramdaman ko nalang na pinupunasan nya ang mga luha ko. Nakita ko sya, na nasa harap ko at yakap-yakap ako.
"I'm Sorry...
Hindi dapat umabot sa ganito." Saad nya na parang inaamo ang isang bata na umiiyak.
"C-claaaark!
Sabihin mo kasi sakin...
Ano ba ang nagawa ko?" Saad ko. Para akong bata sa kakaiyak. Nakaka-awa ako. Awang-awa na ako sa sarili ko.
"Wala sayong problema...
Ako ang may problema...
Naniniwala ako sa mga sabi-sabi nila." Nagulat ako sa sinabi nya.
"Haaa?" Tanong ko.
"May naririnig kasi akong sabi-sabi sa school na....
Kahit sinong lalaki daw ang...
Pinapatulan mo." Saad nya.
"Alam mong hindi totoo yan, Clark!" Sabi ko sa kanya.
"I'm sorry." Sagot nya.
Niyakap nya lang ako ng mahigpit, habang ako iyak parin ng iyak.
Mas lalo akong napaiyak dahil mas pinaniwalaan nya ang ibang tao kesa sakin.
Parang gusto kong magalit kay Clark at magtampo dahil lang pala sa mga chismis ay hindi kami magkakaintindihan.
"Ilang araw mo kong ginawang baliw...
Sa kakaisip kung bakit ka nagkakaganyan...
Tapos malalaman ko na dahil lang sa mga chismis?" Sabi ko sa kanya. Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko.
Hindi sya sumagot.
"Claaark!
Halos ipahiya mo.. ay hinde, ipinahiya mo na pala ako sa ibang tao dahil dyan sa mga naririnig mo lang." Saad ko sa kanya.
"Nasasaktan ako, Clark...
Na hindi mo ako pinapagkatiwalaan." Dagdag ko.
BINABASA MO ANG
O.M.G! I'm Engaged? (BoyxBoy) ♥Completed♥
Teen FictionSabi nila, Ang pag-ibig pag dumating "Grab it & Hold it" dahil sa dami ng tao na pwedeng makatanggap, Ikaw pa ang nabigyan. Kaya naman, Simula nang makaramdam ako nito pakiramdam ko, Ako na ang pinaka-Maswerteng tao sa mundo. Ngunit, Hindi ko napans...