*Jade's POV*
Nakarating na kami sa Village at hinatid nya ako samin. Nasa gate na kami nung nagsalita sya nagulat ako sa sinabi nya.
"Jade, Pwede bang lumayo kana sakin?" Seryoso nyang saad. Nagulat ako sa sinabi nya.
"Ba-babakit? Anu nagawa ko? Sorry na kung tungkol yun sa ginawa ni Ron." Naiiyak na ako. Ayaw ko syang mawala sakin.
"Hindi, hindi yun tungkol dun. Lumayo kana sakin. Ayaw ko ng pabigat, Ayaw ko sa isip bata. Ayaw ko sa MAHINA! Simula bukas wag ka ng lumapit sakin. Hindi kita papansinin. Tigil tigilan mo na din ang pagtatawag sakin ng Big Boy!" Medyo inis nyang saad. Tuluyan nya akong tinalikuran, kaya naman dali dali akong tumakbo at niyakap sya mula sa kanyang likuran.
"Lumayo ka! Nakakadiri ka! Wag ka ng lumapit! Susuntukin na kita!" Galit nyang sabi at tinanggal ang pagkakayakap ko sakanya.
Iyak ako ng iyak. Hinabol ko sya at niyakap ulit. "Sorry na! Big Boy ko! Wag mo akong iwan.! May pinangako ka. Sabi mo hindi mo ako iiwan." Iyak parin ako ng iyak. Bigla nya akong tinulak dahilan para ma-out balance ako at bumalandra sa daan. Tumakbo na sya at hinayaan nya akong nakaHandusay sa daan. Wala na akong lakas para tumayo. Narinig ko pa syang sumigaw ng "Ito na ang huli kong paghahatid sayo, Jade!". Hindi talaga ako sanay na iniiwan. Iyak lang ako ng iyak. Tinulungan ako ng kapitbahay namin na tumayo, close din kasi sila ng mga magulang ko.
Umakyat na ako sa kwarto ko na walang tigil sa pag-iyak. Sana panaginip lang ito, sana hindi nalang ako nagtapat sakanya. Sana hindi ko nalang siya minahal, Sana Hindi ko na sya binigyang pansin noon pa. At higit sa lahat GUSTO KO NANG MAMATAY!
Humiga ako sa kama ko at niyakap ang unan. "Sabi mo walang iwanan? Sabi mo Ikaw ang GUARDIAN ANGEL KO? Sabi mo, Sabi mo Sabi mo!!!" Sigaw ko habang kausap ang unan na bigay nya sakin. Dahil sa sobrang lungkot at sobrang iyak. Nakatulog na ako.
Nagising ako sobrang hapdi ng mata ko naparang dumilat ako sa sandamakmak na asin na nakalagay sa tubig. Naalala ko nanaman ang sinabi sakin ni Mark. At dahil dun, Umiyak nanaman ako ng umiyak. Wala nanaman tigil ang luha sa pagpatak.
"Anak, kanina kapa nandyan. Kain kana!" Sigaw ni mama. Akala mo nagaalala! Tsss. Ganyan naman sila eh. Akala mo nagaalala! Pero kahit kelan hindi ko naramdaman na mahal nila ako, nabinibigyan nila ako ng halaga.
BINABASA MO ANG
O.M.G! I'm Engaged? (BoyxBoy) ♥Completed♥
Teen FictionSabi nila, Ang pag-ibig pag dumating "Grab it & Hold it" dahil sa dami ng tao na pwedeng makatanggap, Ikaw pa ang nabigyan. Kaya naman, Simula nang makaramdam ako nito pakiramdam ko, Ako na ang pinaka-Maswerteng tao sa mundo. Ngunit, Hindi ko napans...