Chapter 14 - My Reason

7.3K 259 23
                                    

*Mark's POV*

Andito ako ngayon sa labas ng School nag a-antay ng Tricycle, Gusto kong habulin si Jade. Alam kong masakit ang mga ginawa at sinabi ko sakanya. Nakokonsesya ako sa mga sinabi ko sakanya kanina.

-FlashBack-
"Enough!" Sigaw ni Jade, Ano ba itong mga lumabas sa bibig ko?

Tumakbo sya palayo samin, habang umiiyak. May kung ano sa loob ng dibdib ko na dinudurog. Ang sakit sa pakiramdam pag nakikita si Jade na umiiyak. Sampung beses na mas masakit lalo na dahil sakin.

"Look what you've done! Hindi mo ba alam na si Jade ang dahilan kung bakit magkakaroon tayo Funds? Pinilit nya mga member ng Music Club para sa Mini Concert. Alam mo ba na ayaw nila tayong tulungan? Dahil sa mga members nila na binubully nyo? Dave! Ikaw ang tinutukoy nila! Kaya kahit yung iba gusto tayong tulungan. Mas marami ang ayaw dahil sa bully. Pero si Jade! Si Jade ang kumausap isa-isa sa lahat ng kanilang members para matulungan tayo. Tapos ano Mark? Ganyan ang gagawin mo?" Galit na galit na sabi ni Sir Trinidad. Yumuko nalang ako.
-End of FlashBack-

Sumakay na ako ng Tricycle, Gusto kong puntahan si Jade.

Pagbaba ko ng Village umuwi muna ako samin. Pagpasok ko sinalubong ako ni Vince, nandun din si Mommy at Seryosong nakatingin sakin.

"Kuya! Dumating si Kuya Jade dito kanina, umiiyak pa nga sya eh. May binigay sya, Dinala ko na sa taas. Galit ba sya sayo?" Tanong ni Vince, na nagdurong nanaman sa loob loob ko.

"Wa-" Naputol ang sasabihin ko nung nagsalita si Mommy.

"Ikaw, Mark! Ano bang pinaggagawa mo? Bakit umiiyak si Jade? Hindi na din sya pumupunta dito. E dati halos dito na sya tumira, May problema ba kayo? Naku, Mark! Hindi kita tinuruan manakit ng damdamin ng ibang tao. May binigay syang Box, may sulat dun sa loob." Medyo galit na sabi ni Mommy.

O.M.G! I'm Engaged? (BoyxBoy) ♥Completed♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon