Chapter 47 - A hug

6.3K 235 17
                                    

*Jade's POV*

Lutang ang isip ko, Simula nung gabi na nakita ko si Ron. Isang linggo na din pala ang lumipas. Sinundo pala nya si Lovely, na kasabay ko pala sa Jeep. Kaya pala hindi ko nakita dahil nasa unahan pala.

Nung nakita ko si Ron, bumalik sakin ang lahat ng sakit. Namimiss ko sya, Sobra. Nung sinundo nya si Lovely, kitang-kita ko pa na hinalikan nya ito sa labi. Sobra paring sakit pagnakikita ko yun.

Kahit kelan siguro, hindi na ako magiging masaya? Kasi pagnakikita ko si Ron nasasaktan ako. Pero bakit ganun? Nung nakita nya ako bigla nyang binitawan si Lovely? Tapos tumingin sakin na parang naguguluhan.

Jade, Siguro umaasa ka lang kaya ganyan. Sana makalimutan ko na sya.

"Uy, Jade? Tulala ka dyan? Ano problema mo?" Nag-aalala sakin si Tine. Kasama kasi namin sya ngayon eh.

"Wala, wala..." Sagot ko.

Lunch break namin, tatlong oras dahil wala daw kaming prof sa isang subject.

"Jaaaaade! Kantahan tayo." Sabi ni Drey. May dala kasi syang gitara eh.

"Ayoko kayo nalang." Sagot ko, kanina pa kasi sila kantahan ng kantahan.

"Ikaw naman, kanina pa kami eh. Gusto ko marinig boses mo!" Pagpupumilit nya.

"Sige na Jade, Birthday ko naman bukas eh. Regalo mo na sakin. Kahit pangit boses mo ok lang. Please?" Sagot ni Tine. Oo nga pala B-day nya bukas. Kaso wala naman pasok bukas dahil holiday. Kaya sa susunod na araw nalang daw sya manlilibre. Hahaha

"Pangit boses ko. Nakakahiya. Heheh." Sagot ko. Syempre hindi nila alam na galing ako sa music club.

"Ok lang yun. Eto ngang si Drey kanta ng kanta sabi ko itigil na nya at mag gitara nalang sya. Hahahah." Sabi ni Leah.

"Sige na please? Kahit para sakin nalang." Sabat ni Tine. Nahihiya talaga ako eh.

"Babes, Baka hindi ka talaga marunong kumanta. Hahaha." Sabat naman ni Philip. Nabwiset ako nandito pala sya.

"Sige na nga, regalo ko na sayo Tine." Sabi ko, teka bakit parang namumula si Tine? Weird ha?

"Alam mo yung Porque?" Tanong ko kay Drey magaling din kasi sya maggitara.

"Oo, Kanina nga kinanta ko na yun eh." Sagot naman nya.

O.M.G! I'm Engaged? (BoyxBoy) ♥Completed♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon