Chapter 41 - Acceptance

6.2K 227 15
                                    

*Jade's POV*

Nagulat ako ng bigla nalang may yumakap galing sa likuran ko.

Matangkad sya sakin, halos baba nya ang nasa ulohan ko. Hindi parin ako makakibo, kilala ko sya.

Mga ilang segundo din kami walang kibuan, hanggang sa iniharap nya ako sa kanya.

Nakita ko ang mga mata nya na dati'y laging seryoso, ngayo'y punong puno ng pag-aalala. Agad nyang hinaplos ang pisngi ko.

"Alam kong hindi ikaw yan, Bunsoy." Nakangiti na sya sakin. At agad naman nya ako ulit niyakap.

Na-miss ko talaga ang kuya ko. Halos ilang taon din syang nagbago dahil siguro sa pagiging malambot at gay ko.

Alam ko ang sinasabi ni Kuya Art, naramdaman ko na hinahaplos nya ang likod ko.

"Bunsoy, Umiyak ka lang. Alam kong hindi ka talaga masaya. Kung kaya mo silang maloko sa mga ngiti mo, ibahin mo si Tuya mo." Sabi sakin ni Kuya Art. Hindi ko na napigilan, umiyak na talaga ako sa dibdib nya.

Tuya ang tawag ko sa kanya dati, kasi nung bata kami nahihirapan ako bigkasin ang 'K' kaya 'T' ang lumalabas sa bibig ko. Bunsoy naman ang tawag nya sakin.

Hindi ko talaga inaasahan na mangyari to, Alam ko kasi galit sakin si Kuya Art. Pero nagkamali ako.

"Bunsoy, Patawarin mo si Tuya ha? Alam kong iniisip mo na galit ako sayo dahil malambot ka. Alam ko matagal na, na Hindi ka lalaki. Dahil Tuya mo ako, ang gusto ko lang protektahan ka." Sabi ni Tuya. Pinutol nya para itingala ang mukha ko sa kanya.

"Hindi ako nagbago Bunsoy. Lumayo lang ako sayo dahil ang gusto ko ay masanay ka na ikaw naman ang magprotekta sa sarili mo. Dahil pano pagwala si Tuya? Kaya patawarin mo si Tuya ha? Sobra ata ang paglayo ko sayo." Paliwanag nya.

"T-t-tu-tu-yaaa!" Hagulgol ko sa kanya sabay yakap ng mahigpit.

"Hayaan mo Bunsoy, Babawi si Tuya sayo. Akala ko kasi mas tatatag ka paglumayo ako sayo eh. Nagkamali lang pala ako dahil mas lalo ka lang nahihirapan dahil wala kang nakakapitan. Tignan mo ang nangyayari sayo." Sabi nya. Tumingala ako sa kanya at nagbigay ng isang tingin na puno ng pagtatanong.

O.M.G! I'm Engaged? (BoyxBoy) ♥Completed♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon