KABANATA 2

1.5K 27 7
                                    

This chapter is dedicated to Ate all4faith

___

SYNIER FRUXELL

"You're so beautiful, Synier, like your Mom." Napairap ako sa kawalan dahil sa pagpuri sa akin ng make up artist ko, hinayaan ko na silang ayusan ako para sa engagement party daw mamaya.

Nakahanda na rin ang isusuot kong damit para mamaya, inis na inis pa ako dahil ito ang first time na makikilala ako ng tao, paniguradong maraming reporter mamaya sa mansion dahil kitang-kita ko na sa social media lahat.

Synier Fruxell, the only daughter of Mr. Mathew Fruxell And Mrs. Cassandra Fruxell is going to marry a Man name Xander Ace Hentrov, the son of Hentrov Family and the grandson of Mr. Alfred Hentrov and Mrs. Divian Hentrov.

This would happen in the Fruxell Mansion. This is the first time that their daughter is going to show up in the public.

Get ready everyone, we're going to live at 8:00 pm.

Natatawa na lang ako sa mga nababasa ko sa social media. Trending na trending ako sa twitter at Facebook. Gano'n ba sila ka excited makita ako? Tapos yung una nila akong makikita ay sa engagement party ko pa.

Iniisip ko lang kung anong iniisip ng mga tao sa akin nung hindi pa nila ako kilala? Are they judging me? Marami sa facebook na baka daw pangit ako kaya hindi ako pinapakita sa public, may iba naman na wala daw talagang anak ang Fruxell Family kaya walang mailabas na Synier.

Napaisip din ako kay Xander, imposibleng hindi siya kumuha ng background ko, hindi ba siya nagtataka kung bakit wala siyang makuhang picture ko? Iniisip niya rin kaya na pangit ako kaya ayaw kong magpakita sa public?

"Done, ang ganda mo." Napatitig ako sa salamin ng makita ko ang sarili ko, napangiti ako sa kawalan dahil sa ganda ng mukha ko.

Inayos din nila ang buhok ko, nanatili lang yung nakalugay dahil curly naman ang laylayan nun, it's ash brown na mas lalong bumagay sa mga balat ko. Napatingin ako sa mata kong puno ng lungkot at galit, kulay Blue ito kaya hindi ko na kailangan ng contact lenses. Hindi ko nga alam kung bakit blue ang kulay ng mata ko eh. Siguro dahil na rin kay Mommy na half Estonians.

Estonia is the country with the most blue-eyed individuals in the world. 89% of its population have blue eyes. Kaya siguro blue ang mata ko, pero kay Mommy hindi naman. Hindi ko nga alam kung bakit nagkakilala si Mommy at Daddy eh, pero sabagay mayaman ang pamilya nila pareho.

"Let's get you dressed up." Tumingin muna ako sa orasan bago tumayo.

30 mins na lang magsisimula na ang party, malamang na marami ng tao sa garden. Pinagtulong-tulungan na nila akong suotan ng damit, engagement party pa lang pero parang kasalan na ang pupuntahan ko. Kung ako lang ang masusunod hindi talaga ako magpapakita sa mga tao.

Engagement party kaagad ang mangyayari, hindi ko man lang nakilala o nakita man lang sa personal si Xander. Mukha pa naman siyang masamang tao, unang tingin ko pa lang halatang hindi mapagkakatiwalaan at halatang maraming tinatago.

Siya yung tipo ng lalaki na ang aura hindi mo magugustuhan kapag nakasalubong mo siya, sa lahat ng picture niya na nakita ko lahat nakakunot ang noo at nanlilisik ang tingin. Hindi ko man lang makitang nakangiti siya, lahat masama ang tingin.

"Done." Humarap ako sa salamin habang tinitingnan ang sarili ko. Sa itim na itim kong buhok na nakalugay, sa palamuti nito sa buhok ko, sa blue kung damit na kung saan kakulay ng mga mata ko.

Hindi rin ako ang pumili ng isusuot ko, kundi si Mommy dahil ito raw ang request ng Lolo at Lola ni Xander na isuot ko. Bakit ba tiwalang-tiwala na sila sa pamilyang yun? Gaano ba kalaki ang kasalanan ng pamilya namin sa pamilya na yun na pati ako nagawang ipagkatiwala?

My Husband Is My Biggest Enemy Where stories live. Discover now