KABANATA 63

314 8 0
                                    

ZACHARY KLIENS

Matapos kong makipag-usap kay Ace ay pumunta ako sa bahay ni Mia. Kagaya dati ay tahimik lang ang buong mansion, wala din ang mga maids kaya nagtaka ako.

Naglakad ako papunta sa pool area, pagpasok ko ay saktong nakasalubong ko siya.

"Z-Zach?" Para siyang nakakita ng multo sa subrang gulat.

"What? Para kang nakakita ng multo, what happened?" Nag-aalala kong tanong sa kaniya.

"H-Huh? W-Wala... N-Nagulat lang ako kasi nandito ka." Natatawa niyang sagot. Napataas ang kilay ko dahil hindi ako kombinsido sa sagot niya.

"Bakit, lagi naman akong pumupunta dito ah?" Taas kilay kong sagot sa kaniya. "May tinatago ka ba sa akin?" Kunot noo kong tanong.

"H-Huh? W-Wala, ano namang itatago ko sa'yo?" Nilampasan niya ako kaya sumunod ako sa kaniya.

"Ano nga ba?" Balik tanong ko sa kaniya.

"Zach, wala nga, ano ba?" Para na siyang naiirita habang kinakausap ako.

Dumeritso siya sa kusina at binuksan ang ref.

"Nagtatanong lang naman ako but you sound so defensive, why?"

"Wala nga, nagulat lang ako na nandito ka." Sagot niya bago uminom ng tubig kaya tumango na lang ako dahil ayaw ko ng away.

"Umalis na ako sa grupo ni Ace." Bigla kong sabi sa kaniya na ikinagulat niya. Mabilis niyang binitawan ang hawak niyang baso at lumapit sa akin.

"Really?" Nanlaki ang mata niyang lumapit sa akin na may malawak na ngiti kaya ngumiti din ako sa kaniya at tumango.

"Hindi ko na kasi kaya yung ginagawa ni Ace kay Synier eh, akala ko nagbago na siya, pero hindi pa rin pala," sagot ko naman at napahinga ng maluwag. "Nakakapagod na siyang sundin lalo pa't napamahal na atin si Synier dahil mabait naman talaga siya eh." Tumango naman siya.

"May bago na naman bang plano si Ace kay Synier? Akala ko ba kinukuha niya ulit ang loob ni Synier para bumalik sa kanila ni Xy?" Umiling ako.

"Kinukuha niya ang loob ni Synier para makuha niya yung necklace na kinuha daw ni Synier." Napakunot naman ang noo ni Mia.

"What? Si Synier pa talaga ang pinagbintangan niya?" Hindi makapaniwalang sabi ni Mia at bahagyang natawa. "Sa dinami-dami ng taong pwede niyang pagbintangan si Synier pa talaga? Haha funny."

"Ilang beses ko na siyang sinabihan about that, but he seems so confident na ang red necklace ay kinuha talaga ni Synier." Naglakad si Mia papunta sa sofa kaya sumunod ako.

"Pero imposibleng kinuha ni Synier yun, dahil wala naman siyang alam tungkol sa red necklace." Tumango ako.

"Yeah, you right, pero maganda nang masabihan natin si Synier ng maaga para aware siya sa ginagawa sa kaniya ni Ace." Sagot ko naman.

Tumango din si Mia bilang pagsang-ayon sa sinabi ko.

Sana lang hindi pa kami huli. Kailangang malaman ni Synier ang totoo bago pa man siya tuluyang malinlang ni Ace at saktan ulit.

Ramdam ko pa naman na napapalapit na ulit ang loob ni Synier sa dalawa, kaya delekadong masaktan ulit siya.

"Ate Mia-" napatingin ako sa batang lumabas galing sa pool area. Nakasuot siya ng swimsuit at halatang naliligo sa pool. Kunot noo akong tumingin kay Mia na ngayon ay gulat na gulat habang nakatingin din kay Angel.

"K-Kuya Zach-"

"Mia? What's the meaning of this?" Tanong ko sa kaniya pero nginiritan niya lang ako. "Is this what you're hiding from me?" Dahan-dahan naman siyang tumango kaya napasampal ako sa noo ko.

My Husband Is My Biggest Enemy Where stories live. Discover now