A/N: hi guys, sorry for late update, still not okay because of my sickness, pero medyo okay na din, pipilitin ko na lang. And also malapit na matapos 'to, update ko lang kayo HAHAHAHA susubukan kong tapusin this month of September, dahil alam kong magiging busy na talaga ako dahil 2nd year college na. Ayun lang, enjoy reading, mwuah 😽💜
____
XYLO ACE HENTROV
"Lolo!" Sigaw ko at itinulak siya palayo kay Mommy.
Napadapa ako sa sahig ng sunod-sunod na putok ng baril ang narinig naming lahat.
Mabilis kong tiningnan si Mommy na ngayon ay may tama ng baril ang kaniyang braso.
"M-Mommy?" Umiiyak kong tawag pero nakapikit lang siya habang nakahiga sa sahig.
Wala na akong pakialam sa nangyayari ngayon sa kanila, mabilis akong lumapit kay Mommy para tingnan siya.
"Mommy, wake up!" Umiiyak kong sabi sa kaniya at hinawakan ang mukha niya. "Mommy!"
"S-Synier?" Mabilis na lumapit sa amin ang Mommy niya. "Synier!" Sigaw nito.
Hindi ko na alam ang gagawin ko ng malagyan ng dugo niya ang mga kamay ko, nanginginig ako sa takot habang nakatingin sa kamay ko.
"M-Mommy?" Sunod-sunod na tumulo ang luha ko at hindi ko na marinig ang mga sinasabi nila.
Nakiya kong lumapit si Daddy kay Mommy at si Lolo naman ay kinuha palayo sa amin.
Hindi ko na maintindihan, ang labo na ng paningin ko, kitang-kita ko ang mga luha nila habang binubuhat si Mommy.
"Xy?" Tawag ng kung sino. Hinanap ko kung sino ang tumawag sa akin pero hindi ko makita. "Xy, may dugo ka!" Yung kaninang kabang nararamdaman ko ay mas lalong nadagdagan dahil sa narinig ko. "Si Xy may tama!"
Yun ang huling narinig ko bago magdilim ang paningin ko.
___
SYNIER FRUXELL-HENTROV
"A-Ace..." Umiiyak akong tumakbo sa kaniya nang makalabas siya sa ER.
"Calm down baby, please." Sagot niya naman sa akin at inalalayan akong umupo.
"H-How's Xy?" Umiiyak kong tanong.
"Kailangan niyang operahan." Nakayuko niyang sagot.
"What?" Gulat kong tanong.
"Nasa tagiliran ang tama niya dahil sa pagsangga niya ng bala mula sa'yo."
"Pero imposible, may sugat din ako oh," Pinakita ko sa kaniya yung braso ko na may bandages. "Hindi niya sinangga ang bala na dapat tatama sa akim dahil malayo siya nung tumama sa akin ang baril." Paliwanag ko.
"Then, who is the fuck trying to shoot my son?!" Galit niyang tanong.
"May CCTV ang mansion, tingnan natin do'n." Sagot ko naman.
Natahimik siya at nag-isip, gano'n rin ako, imposible kasing may balang tatama sa kaniya na galing sa baril ng Lolo niya, dahil ako ang tamaan nun at mabuti na lang ay daplis lang.
"Okay kana ba? Wala na bang masakit sa'yo?" Bigla niyang tanong.
"I'm okay," sagot ko naman sa kaniya. "Inaalala ko si Xy."
"Magiging okay din siya, wag kana mag-alala, kailangan mo ng magpahinga." Sagot niya ulit.
"Ano ba kasing naisip ng Lolo mo at sumugod sa bahay?" Inis kong tanong.
YOU ARE READING
My Husband Is My Biggest Enemy
Romantizm[R-🔞, MATURED CONTENT] ON-GOING Alam ni Synier Fruxell na kaya lang siya pinakasalan ni Xander ay dahil gusto nitong bawiin ang kayamanang nakuha ng kaniyang Ama sa pamilya ni Xander, ngunit hindi napigilan ni Synier na mahulog kay Xander dahil na...