A/N: sorry po, mabagal ang update ko now, medyo na busy lang sa life huhu, stress sa acads, ayaw ko na talaga mag-aral huhunesss, eme HAHAHAHA enjoy reading this part guys, mwuah 😽❤️
___
MIA PAULINE NIEZ
"Kailangan na nating dalhin si Pink at Brown sa hospital." Taranta kong sigaw kay Purple.
"White, kahit gusto kong gawin hindi pwede, may sarili tayong doctor sa mansion, kaya doon na natin siya dalhin." Sagot niya naman sa akin.
"Ede bilisan mo na!" Inis kong sigaw sa kaniya dahil namimilipit na sa sakit si Brown at Pink. Sa braso ang tama ni Pink sa Brown naman ay sa tagiliran.
"Fuck, it's hurt." Reklamo ni Brown at tiningnan ang kamay na puno ng dugo.
Fuck you Ace.
Hindi ko alam na gano'n siya kabrutal kung pumatay. Hindi niya ba naisip na tao rin kami? Muntik pa akong matamaan kung hindi ako kaagad nakatakbo.
Lalo namang bumilis ang takbo ni Purple nang marinig ang iyak ni Pink, hindi na siya makasalita ng maayos dahil sa sakit nararamdaman niya.
"Bilisan mo!" Naiiyak kong sigaw kay Purple, apat lang kami ang nasa kotse ngayon, hindi ko na alam kung saan pumunta si Blue.
Fuck you Blue.
Kung kailan kailangan saka nawawala, wag ka talaga magpapakita sa akin baka ikaw ang mapatay ko.
Ilang minuto pa ay nakarating na kami s mansion.
"Help!!!" Sigaw ko ng makababa ako ng kotse. Kaagad namang nataranta ang mga nakarinig sa akin at isa-isa silang lumabas ng mansion.
"What happened?!" Tanong ni ate Sky.
"Si Pink po at si Brown may tama." Sagot ko na umiiyak na.
"Fuck." Kaagad naman kaming tinulungan ng iba naming kasamahan na ipasok ang dalawa, binuhat na ni kuya Ash si Pink papasok sa loob si Brown naman ay pinatulungan ni kuya Yel at ate Sky.
Nang makapasok kami sa loob ay kaagad na pinasok si Pink at Brown sa loob ng clinic namin dito sa mansion. Si kuya Yel at ate Sky kasi ang doctor namin dito. Kaya sila na lang ang pumasok sa loob. Punong-puno ng dugo ang kamay ko dahil hawak-hawak ko ang braso ni Pink habang nasa byahe.
Nanginginig pa rin ako hanggang ngayon, inalalayan naman ako ni kuya Ash umupo sa sofa at binigyan ako ng tissue. Hindi pa rin ako tumitigil kakaiyak, pero hindi ko magawang punasan ang luha ko dahil sa suot kong mask.
"Nasaan si Gray at Blue?" Tanong niya sa akin.
"K-Kasama ko kanina si Gray at Pink, pero humiwalay siya sa amin matapos naming ma defuse ang electricity ng buong building." Paliwanag ni Purple.
"Kasama ko kanina si Blue, pero nung nagkagulo na ay humiwalay siya sa akin kasama si Miss Red." Paliwanag ko naman.
"Then, where are they?!" Inis na tanong ni kuya Ash. Maya-maya pa ay pumasok sa pinto si Gray na may tama din pala sa tagiliran at braso.
Unti-unti siyang bumagsak sa sahig kaya napasigaw kami.
"Gray!" Sigaw ni kuya Ash at mabilis na tinakbo si Gray, binuhat niya 'to at pinasok sa clinic.
"Purple tawagin mo si ate Green at ate Violet sa taas, bilisan mo!" Sigaw ni kuya Ash na kaagad namang sinunod ni Purple. Kasama rin silang dalawa sa Medical team ng aming organization.
YOU ARE READING
My Husband Is My Biggest Enemy
Romance[R-🔞, MATURED CONTENT] ON-GOING Alam ni Synier Fruxell na kaya lang siya pinakasalan ni Xander ay dahil gusto nitong bawiin ang kayamanang nakuha ng kaniyang Ama sa pamilya ni Xander, ngunit hindi napigilan ni Synier na mahulog kay Xander dahil na...