KABANATA 70

379 8 7
                                    

⚠️ WARNING ⚠️

A/N: Authors note lang HAHAHAHA anyway, sorry again for the late update. Basta I assure you guys that this story will be end this Month kaya magpapaalam na naman tayo kay Ace at Synier HAHAHAHA enjoy reading.
Mwuah ^^
____

SYNIER FRUXELL-HENTROV

Kita ko mula sa di kalayuan si Zach at si Mia na nag-uusap. Hindi naman ako magagalit kapag nakilala na nila ang isa't isa.

Hindi kayang patayin ni Mia si Zach, at alam kong gano'n din si Zach kapag nalaman niyang si Mia si White.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanila at tinutukan ng baril si Zach. Napangisi ako nang makita ko ang gulat sa mukha nilang dalawa.

"Miss Red?!" Pumunta si Mia sa harapan ni Zach na parang pino-protektahan si Zach.

"Bakit hindi mo kayang barilin? Ako na ang babaril!" Natatawa kong sabi na ikinagulat nilang dalawa.

"Miss Red!" Makapanabay nilang sabi. They know that I know who they are. Binibiro ko lang sila.

Ibaba ko na sana ang baril ko nang bigla na lang may kumasa ng baril sa likuran ko, kaya napangisi ako lalo.

"Ibaba mo yan." Utos ni Ace. Hindi ako kumibo at itinutok naman ni White ang baril niya kay Ace. Pero gumalaw din si Zach at tinutukan ng baril si Mia.

Gusto kong matawa sa eksina naming apat ngayon. Ede Patay kaming lahat nito kung magkataon.

Pero hindi pa pala do'n nagtatapos, dahil mas exciting part ang nangyari.

Nanlali ang mata ko nang biglang sumulpot si Kahel galing sa kung saan at tinutukan ng baril si Ace.

"Ibaba mo ang baril mo." Matigas niyang utos na akala mo ay matanda na siya at kayang-kaya niya si Ace.

He knows na Daddy niya 'yan, bakit niya papatayin?

"Who are you?" Tumingin sa akin si Kahel at umiling naman ako.

Hindi siya pwedeng makilala ni Ace.

"Tama na!!" Sigaw ni White dahil hindi pa rin pala binababa ni Zach ang baril na nakatutok sa kaniya. "Pagod na ako, pagod na pagod na ako, hindi ka pa ba masaya Ace sa nakuha mo?! Binigay na sa'yo lahat ni Red, ano pa bang kulang?! Bakit kailangang may ganito?!" Sigaw niya.

Hindi sumagot si Ace at nanatili ang kaniyang mata sa batang nakatutok ang baril sa kaniya. Malamang na namumukhaan niya si Xy.

"Remove your mask." Utos ni Ace kay Xy, pero hindi gumalaw ang bata.

Dahil hindi naman nakatingin sa akin si Ace mabilis kong sinipa ang kaniyang kamay dahilan para mabitawan niya ang kaniyang hawak na baril.

Gano'n din ang ginawa ni White kay Zach kaya kaming apat ngayon ay nagsusuntukan.

Tumakbo sa kung saan si Kahel na ikinatuwa ko dahil hindi siya pwedeng makilala ni Ace.

"You fucking bitch!" Sigaw ko at sinuntok siya sa mukha dahilan para mapa-upo siya sa sahig.

"Fuck you!" Sigaw niya at tumayo, akala ko susugod siya sa akin pero umakyat siya sa taas kaya mabilis akong tumakbo para sundan siya.

Nakita ko siyang papasok sa isang kuwarto ko kaya mabilis akong sumunod sa kaniya, mabuti na lang dahil napigilan ng paa ko ang pinto bago niya ito masara.

"Tsk." Sabi niya at mabilis na umalis sa pinto nang makita ang hawak kong baril na nakatago sa hita ko.

"Mahina ka pa rin." Natatawa kong sabi sa kaniya nang tuluyan akong makapasok sa loob, I lock the door as soon as I enter.

My Husband Is My Biggest Enemy Where stories live. Discover now