SYNIER FRUXELL-HENTROV
"Miss Red, nakita nyo po ba si Pink?" Tanong sa akin ni Purple sa akin paglabas ko ng opisina.
"Huh? Wala ba siya sa kuwarto niya?" Taka kong tanong. Hindi lumalabas ng mansion si Pink dahil dito na siya pinatira ni Red. Wala na siyang ibang pamilya kaya saan naman pupunta ang bata na yun?
"Nakita ko pa siyang naglalaro kanina kasama ang pusa niya don sa garden, pero nung tatawagin ko na para kumain ay wala na siya." Sagot naman ni Purple.
"Hanapin natin." Una akong umakyat sa kuwarto niya, ngayon lang ako nakapasok dito.
Nilibot ko ang buong kuwarto at puro pink yun. She really love pink color.
"Pink?" Tawag ko dito, pero walang sumasagot, naglibot pa ako sa buong kuwarto niya at doon ako nakarinig ng mahinang pag-iyak galing sa banyo niya. Mabilis akong naglakad papasok doon at sakto naman dahil hindi yun naka lock. "Pink, anong nangyari?" Nag-aalala kong tanong.
"Miss Red," mabilis siyang tumakbo papunta sa akin at niyakap ako. "W-Wala na po si Black." Umiiyak niyang sabi sa akin.
"Huh? Bakit? Anong nangyari sa kaniya?" Tukoy ko sa pusa niya.
Umiling siya bago sumagot. "Hindi ko po alam,"
"Kaya ba nando'n ka sa garden kanina?" Tumango naman siya.
"Nakita ko na lang siyang walang buhay sa garahe kanina, Miss Red, hindi ko po alam ang nangyari." Hindi ko alam kung paano ko siya iko-comfort.
"Bumaba na muna tayo, baka alam ni Purple." Tumango naman soya at sumunod na sa akin pababa.
Nakahinha naman ng maluwag si Purple ng makita kaming dalawa.
"Akala ko kung saan kana pumunta eh." Sabi niya.
"Alam mo ba kung anong nangyari kay Black?" Tanong ko sa kaniya.
"Sinong black?"
Oo nga pala, si Ace yung isa.
"Yung pusa ko po." Nakangusong sagot ni Pink.
"Oh? Bakit anong nangyari sa pusa mo?"
"Wala na po siya."
"Huh? Anong nangyari?" Umiling naman si Pink.
"Sige na, kumain kana muna." Sinamahan naman ni Purple si Pink sa hapag at tanong pa rin ng tanong ang isa.
Uuwi na sana ako pero biglang tumunog ang cellphone ni Red. May nag text.
Master
I need to see you. Met me at the mansion.Napakunot naman ang noo ko, ito ba yung sinasabing Master ni Ace? Jinzu? Saang mansion naman ako pupunta?
Nakakainis talaga 'to si Red, bakit kasi hindi muna ako tinuruan at sinabi sa akin lahat ng dapat kong gawin? Bwisit.
Tinawag ko si Brown at sinabing ipag-drive niya ako, baka alam niya dahil siya naman ang driver ni Red eh. Lagi ko kasi silang nakikitang magkasama akala ko nga siya hung personal assistant ni Red eh.
"Saan tayo Madam?" Nakangisi niyang tanong.
Paano ko sasabihin na sa Jinzu kami pupunta?
"Kay Master." Walang buhay kong sagot. Hindi ko alam kung alam niya ba ang tinutukoy ko, pero nagulat ako ng bigla na lang niyang buhayin ang makina.
"Sabi ko na nga ba eh, pinapatawag ka na naman." Natatawa niyang sagot.
"Anong nakakatawa?" Kunwari kong inis na tanong.
YOU ARE READING
My Husband Is My Biggest Enemy
Romance[R-🔞, MATURED CONTENT] ON-GOING Alam ni Synier Fruxell na kaya lang siya pinakasalan ni Xander ay dahil gusto nitong bawiin ang kayamanang nakuha ng kaniyang Ama sa pamilya ni Xander, ngunit hindi napigilan ni Synier na mahulog kay Xander dahil na...